Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content Bandera

Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

Reggee Bonoan |November 23,2022
share this

Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

Reggee Bonoan - November 23, 2022 - 06:45 PM

Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

“’YUNG creative juices po na tinatawag kinakapos na po talaga sa content kaya ano ba talaga ang ilalaman kung wala na talaga, di ba?” ito ang punto de vista ni Nanay Cristy Fermin tungkol sa mga latest vlogs ni Alex Gonzaga-Morada sa kanyang YouTube channel.

Sa latest upload ng “Showbiz Now Na” nina ‘Nay Cristy kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika ay isa si Alex sa pinag-usapan nila base na rin sa mga komento ng publiko na walang bago ang mga content nito na paulit-ulit.

May umay factor na kasi ang mga huling content ni Alex bagay na hindi na nagugustuhan ng mga nakakapanood dahil simula nang magsimula siya sa vlogging ay walang pagbabago imbes na mag-level up.

Sabi nga ni Romel Chika, “Ilang taon na (nagpa-vlog) dapat lume-level up na, may matutunan na ang viewers niya na hindi panay kalokohan lang. Hindi, eh, kung paano siya nagsimula all throughout ganu’n pa rin.

“Ito na lang ba ‘to? At saka hindi na nagiging magandang example ito sa mga manonood, ano ‘to? Wala ng limitasyon, wala ng nanay, wala ng tatay, wala ng kapatid, wala ng ateng turingan basta lang mairaos ang content niya?”

Ayon naman ‘nay Cristy, “Oo, ‘yung respeto (nawala). Totoo naman po ‘yung mga komento na nababasa natin lumalampas na po si Alex sa linya ng kagandahang asal. Marami na po siyang ginagawa na hindi katanggap-tanggap ng publiko lalo ng kanyang mga viewers. Naghahanap po ng bago (viewers) pero ang kanya pong ibinibigay ay taliwas po sa inaasahan ng kanyang manonood.”

Komento ni Wendell, “’Yun nga trending talaga siya (Alex), taas ng views. Pero ngayon parang nakikita ko wala na siya sa top 10 (most viewed) naligwak na siya samantalang dati nasa top siya hindi bumababa kasi inilalabas ng YouTube kung sino (top YouTuber) dito sa Pilipinas. Ang napansin ko tita Cristy ‘yung pina-prank mo ang nanay mo parang hindi gusto ng mga viewers kasi hindi gusto na pati nanay mo lolokohin mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Ang latest na hindi nagustuhan ng viewers ay ang sinabi ni Alex na idinamay pa si Dra. Vicki Belo na inisnab sila ni Heart Evangelista nang magkita sila sa Milan, Italy kung saan dumalo sila ng event.

Agad na nag-trending ang naturang vlog nina Alex ar Dra. Vicki kung saan umani ito ng samu’t saring komento mula sa netizens at nilinaw naman nila na ito’y biruan lamang at walang katotohanan dahil hindi naman raw sila nagkita nina Heart.

Ang sabi ni ‘nay Cristy, “ nakita niya ang bashing talagang tapi-tapiton laban sa kanya na inisnab sila ni Heart Evangelista sa Milan na hindi naman po talaga totoo kaya binawi niya kaagad-agad ‘yun. Hinanapan siya ng paninindigan.

Para may mai-content ka lang, Alex Gonzaga kahit ano na lang talaga at kahit sino kaya mong banggain gawa ng inimbentong kuwento, ‘yun ang mga lumalabas (social media).”

Malapit si Wendell sa magkapatid na Alex at Toni Gonzaga-Soriano kaya hiningan siya kung paano ikukumpara sila.

“Si Alex okay naman siya kasi nakakaaliw naman talaga ‘yun nu’ng una, mabait sila kasi maka Diyos naman ang pamilya nila,” panimuna ni Wendell.

Hirit ni ‘nay Cristy, “‘Yun ang ibinubutas na kapag binabasa namin ang mga komento mo (Alex) tungkol sa Diyos pero ano ang ginagawa mo sa vlog mo, taliwas, di ba?

‘Yung komento po ng ating mga kababayan na nababasa namin ay (sinasabing), ‘Kristiyano pa naman kayo! Pero ano ang ipinakikita mo sa publiko hindi gawain ng Kristiyano na gagawing laruan ang mga magulang. Hindi ko alam kung bakit si Daddy Bonoy at Mommy PInty pumapayag?”

Sagot ni Romel Chika, “e, kasi nga di ba nanay dahil lang sa content at siyempre pag ang content ganu’n mataas ang views. Pero hindi nila naisip kung ano ang kahihinatnan nito sa maraming beses na ginagawang pa-ganu’n-ganu’n. Yung isang beses pa, okay pa ‘yun, eh. Pero ‘yung sunud-sunod na, wala na.”

Ang paniniwala naman ni ‘nay Cristy bilang magulang, “marami naman pong mag-ina na nagba-vlog pero ‘yung respeto ng bata sa kanyang nanay ‘yun ‘yung nakikita natin. So, ‘yun ay magandang ehemplo na maituturing ng ating mga kababayan.”

“Saka influencer na kasi si Alex kaya lahat ng ginagawa niya, ginagaya ngayon. Kaya lang ano ba ito, nawawalan na siya ng respeto sa magulang? ‘Yun ‘yun, e, kasi influencer ka ang daming nakatutok sa ‘yo, ginagawa kang modelo kaya ka ginagaya,” sambit ni Romel Chika.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Alex Gonzaga-Morada.

Related Chika:
Alex Gonzaga may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!

Negosyo nina Toni, Alex apektado dahil sa politika

Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga s

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: ‘Yung pinaghirapan niya, sadsad masyado…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending