Negosyo nina Toni, Alex apektado dahil sa politika
MASKI ang negosyo ng magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga ay apektado ngayon dahil sa politika.
Ito nga ang naging isa sa paksa na pinag-usapan ng kolumnistang si Cristy Fermin at co-host nitong si Romel Chika sa kanilang show na “Cristy Ferminute”.
Matatandaang isa si Toni sa mga kontrobersyal na artista sa panahon ngayon matapos ang kanyang pagpapakita ng suporta sa isa sa mga presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pagkukuwento ni ‘Nay Cristy, isa sa dahilan kung bakit nadadamay ang kanilang negosyong milk tea shop ay may kinalaman sa kanyang pinaniniwalaang kandidato sa darating na eleksyon.
“Alam naman po natin na meron silang negosyo, ‘yung Happy Cup.
“Tama po ba na ‘yung standee nila ay binabatukan para bumagsak? Tama po ba na parang tinitirador ang pangalan ng kanilang negosyo? Tama po ba na personalin natin dahil hindi nila kasama sa kulay politika si Alex at saka si Toni?” saad ni ‘Nay Cristy.
Nakiusap rin ang kolumnista na sana raw ay tigilan na ang pambabatikos at pambabash sa magkapatid dahil nagtatrabaho lang naman ang dalawa.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, malaking tulong para kina Toni at Alex ang kanilang kinikita sa naturang negosyo lalo na at may pandemya pa rin kahit na slowly ay parang back to normal na ang nangyayari sa bansa.
Sey ni ‘Nay Cristy, “Sana naman po, walang gano’n kasi nagtatrabaho naman po nang patas ‘yung magkapatid. Naghahanapbuhay po sila at malaki ang naitutulong sa kanila ng [negosyo].
“Bakit naman po natin idadamay ang walang kakibo-kibong inumin?”
Samantala, trending ngayon ang magkapatid na sina Alex at Toni dahil sa video nito na kumakalat sa social media kung saan ginagaya ng nakababatang Gonzaga ang kanyang ate habang kumakanta ito ng madalas na awitin ni Toni na “Roar” ni Katy Pery.
Related Chika:
Hirit ni Toni sa mga tagasuporta nina BBM at Sara: Sabi nila bayad daw po ako…bayad po ba kayo?
Toni basag na basag sa mga haters dahil sa politika: Nakakabastos naman kasi talaga!
Toni Gonzaga tuluyan nang nagbabu sa PBB: This is your angel, signing off…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.