Hirit ni Toni sa mga tagasuporta nina BBM at Sara: Sabi nila bayad daw po ako…bayad po ba kayo?
TULOY ang paninindigan at pagsuporta ni Toni Gonzaga sa kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa running mate nitong si Sara Duterte.
Muling umakyat ang TV host-actress sa stage ng campaign rally ng UniTeam sa Cavite kamakalawa, March 22 at doon ay pinagdiinan nga na wala na siyang pakialam sa mga nangnenega ay bumabatikos sa kanya.
Nag-perform muna ang sisteraka ni Alex Gonzaga with her signature campaign song na “Roar” (ni Katy Perry) saka nakipag-usap sa audience. Dito muli siyang nagsalita tungkol sa umano’y milyun-milyong piso na ibinayad sa kanya para suportahan ang BBM-Sara tandem.
“Simula po nu’ng tumayo ako sa entablado kasama ang UniTeam, ang tawag ng lahat, bayad daw po ako. Bayad po ba kayo?” ang balik-tanong ni Toni sa mga Caviteño.
Sagot naman ng mga naroon, “Hindi kami bayad! Hindi kami bayad! Hindi kami bayad!”
Pagpapatuloy ng TV host, “Alam n’yo, kaya po katulad ni BBM, hindi na po natin dapat na pinapatulan ‘yung mga ganyang bagay dahil kung alam ninyo ang katotohanan, hinding hindi kayo kayang sirain ng kasinungalingan!”
View this post on Instagram
Nagbigay din siya ng paalala sa mga Filipino na patuloy na sumusuporta kina Bongbong at Sara, “Kaya po sa lahat ng nang-aaway sa inyo, pinipintasan kayo, kinukutya kayo, katulad ni BBM, huwag na po tayong lumaban.
“Patuloy po tayong magpakumbaba dahil katulad ni BBM, laging nagpapakumbaba, kaya naman si BBM, lalong tumataas!” pahayag pa ni Toni.
Grabe ang tinatanggap na batikos at pambabastos ng aktres mula sa mga anti-BBM na karamihan ay mga supporters ni Vice President Leni Robredo.
Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya dahil sa pagkampi niya kina Bongbong at Sara pero mukhang hindi naman siya apektado sa mga ito dahil tuloy ang pangangampanya niya para sa UniTeam.
https://bandera.inquirer.net/301729/gretchen-mamimigay-ng-love-box-sa-mga-biktima-ni-odette-ipinagtanggol-si-atong-ang
https://bandera.inquirer.net/303396/lucy-torres-may-malalim-na-hugot-nanindigan-sa-pagkampi-kay-bongbong-marcos
https://bandera.inquirer.net/308830/karen-sa-chikang-ineendorso-si-bongbong-marcos-im-not-campaigning-for-any-candidate-trabaho-po-ito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.