Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa 'Lunch Out Loud'? | Bandera

Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’?

Reggee Bonoan |July 22,2022
facebook
share this

Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’?

Reggee Bonoan - July 22, 2022 - 04:25 PM

Ano nga ba ang rason ng pagre-resign ni Alex Gonzaga sa 'Lunch Out Loud'?

TRULILI kaya na kaya iiwanan ni Alex Gonzaga ang “Lunch Out Loud” (LOL) ay dahil hindi niya matanggap na hindi kumpleto ang bayad sa kanya?

Naibahagi ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila nina Romel Chika at Morly Alinio nitong Martes, Hulyo 19 na nag-resign na si Alex bilang isa sa mga main hosts ng LOL dahil sa ibinigay nitong apat na dahilan.

Ang unang idinahilan daw ni Alex ay noontime show ang pinirmahan niyang kontrata sa LOL o alas dose ng tanghali ang dapat ito eere sa TV5 pero dahil back-to-back na sila ng It’s Showtime ay naging pre-programming na ang show na ibig sabihin ay mas maaga na ang airing time.

iIkalawang dahilan ay, hindi rin matanggap ng TV host/vlogger/actress na nabawasan sila ng oras na ang dating 2 hours ay naging one-hour and 45 minutes na lang dahil nga sa pre-programming.

Ikatlo ay ang posibilidad na baka hindi na prayoridad ang LOL sa pagpasok ng “It’s Showtime” dahil ang magpapatakbo ay ABS-CBN kumpara sa programa nila na under ng Brightlight Productions.

At ang ika-apat ay gusto munang mag-lie low ni Alex dahil plano na nilang magkaroon ng baby ng hubby niyang si Lipa City Councilor Mikee Morada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Matatandaang nagkaroon ng miscarriage noon ang LOL host para sana sa panganay nila ni Mikee pero dahil sa rami ng trabaho ay hindi ito natuloy.

Ang sitsit naman sa amin ng aming source ay ang kakulangan ng bayad ang dahilan.

Ayon sa aming source, “Alam mo ba kung bakit umalis si Alex sa LOL? Di makatarungan ang program taping nila 3 episodes in one day per program taping tapos ang bayad sa kanila 2 episodes lang.

“Tapos the next day another 3 episodes. Kaya minsan umaalis na si Alex pangatlong episode na taping kasi walang pasahod. Di n’ya tanggap na libre ang pangatlong episode.”

Parang hindi na bago ito sa pandinig namin dahil kinausap naman daw ng management ang lahat ng LOL hosts na sa tatlong tapings nila ay libre ang isa para maka-survive ang programa at hindi magsara.

“Itinatawid lang ng Brightlight ang LOL dahil naawa si Albee (Benitez) sa mga taong mawawalan ng work. Ang daming umaasa sa show kaya hiling sana ay magtulungan,” katwiran ng isa pa naming source.

Anyway, bukas ang BANDERA para sa panig ni Alex o ng kampo niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘LOL’ nina Billy at Alex sa TV5 tinatalo sa ratings game ang ‘Showtime’ nina Vice

Pagtsugi sa ‘Lunch Out Loud’ fake news, sey ni Albee Benitez: LOL stays committed in giving fun, laughter and prizes to every household

Bakit biglang nag-resign si Alex Gonzaga sa noontime show ng TV5?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending