Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: ‘Yung pinaghirapan niya, sadsad masyado… Bandera

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: ‘Yung pinaghirapan niya, sadsad masyado…

Pauline del Rosario |November 21,2022
share this

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: ‘Yung pinaghirapan niya, sadsad masyado…

Pauline del Rosario - November 21, 2022 - 02:59 PM

Cristy Fermin sa career ni Liza Soberano: ‘Yung pinaghirapan niya, sadsad masyado…

NAGING hot topic ng kolumnistang si Cristy Fermin ang kasalukuyang showbiz career ng aktres na si Liza Soberano sa Amerika.

Pinag-usapan ‘yan sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na!” kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika.

Bungad pa ni Romel, “Huwag kayo magagalit sakin mga fans ni Laiza ha, ito sa totoo lang po, real talk lang po tayo ha.

“Bumaba ang premium talaga ni Liza, sadsad.”

Patuloy pa niya, “Isipin mo, dito bida-bida siya as in bida, nagli-lead role sa mga teleserye, maganda ang ratings, mga commercial niya patok.

“Nagpunta sa abroad…nagka-pelikula pero hindi naman siya na-recognize.”

Sinabi pa ni Romel, “Ang tawag sa kanya, international ‘micro-starlet’, kasi biruin mo nakikisama lang siya, nagiging itsurang faney lang siya doon sa mga artistang nakikita niya, pa-picture.

“Para nga naman kapag nagpa-picture siya, pag may nakita doon sa artistang sikat e masasama siya.”

May banat din mismo si Cristy at nadidismayang sinabi na tila nasayang ang pinaghirapan ng sating manager ni Liza na si Ogie Diaz ang mga pinaghirapan nila sa showbiz.

Sey ng beteranang showbiz columnist, “Ako, huhugot ako doon sa simula. Alam namin na medyo magiging emosyonal si Ogie Diaz tungkol sa aming usapin na ito.”

“Inalagaan ‘to ni Ogie eh, pinalaki ‘to ni Ogie, inalagaan nang todo-todo para maabot ‘yung pangarap niya at nagtagumpay naman sila bilang talent at manager tapos biglang ganito. ‘Yung pinaghirapan niya, parang sumadsad eh, sadsad masyado,” aniya.

Pakiramdam din daw ni Cristy na may nag impluwensya sa aktres kaya ito umalis sa pangangalaga ni Ogie.

Sabi ni Cristy, “Ito ‘yung punto natin na inalagaan nang todo ni Ogie Diaz ang kanyang karera, pinagtagumpay naman siya ng kanyang kapalaran, hindi kaya may nagsulsul sa batang ito para kumawala sa pangangalaga ni Ogie at lumipat ng iba?”

“Ako, may duda ako eh. May duda ako na may nagsusul dito, maraming ‘sulsultant’ dito eh,” saad pa niya.

Nagbigay pa ng hint si Wendell na ang tatay ni Liza ang posibleng tinutukoy ni Cristy na nagkaproblema umano sa pera.

Sey niya, “‘Nung una pa ‘yan bago parang kinukuwestyon niya noon kay Ogie Diaz…”

Biglang singit naman ni Cristy na, “‘Yung father kasi ni Liza, minsan lumabas o makaulit na marami ay kinukuwestyon ata ‘yung tungkol sa pera.

“Eh si Ogie naman, alam mo naman si Ogie ay kumpleto. Ilalatag sa kanila. Palagay ko nga eh may ganun-ganung kwento.”

Nilinaw naman ni Cristy na okay lang naman ang mangarap ngunit may hangganan lang daw ito.

“‘Yung pangangarap, wala namang problema diyan e. Kung kayang maabot, bakit naman hindi. Pero meron kasi tayong tinatawag na linyada. Kung dito ka, dito ka. Maghintay ka ng tamang pagkakataon para doon sa hinihiling mo,” paliwanag ng kolumnista.

Dagdag naman ni Romel, “At tsaka ‘yung paghihinayang… I’m sure, pumapasok paminsan-minsan sa isip niya ‘yung, ‘ano ito? Bakit parang floating tayo dito sa abroad’, diba, na kung ano lang ang meron, kapag tatakbo sila kung may audition, hindi katulad dito ay may manager sila at ‘yung manager ang gumagawa ng lahat.”

Naglabas pa ng hinanaing si Cristy at nasasayangan sa iniwan ni Liza sa Pilipinas na magandang karera.

“Sayang ‘yung Liza, ang ganda ganda pa namang bata,” sey ni Cristy.

Matatandaang noong Hunyo lamang nang opisyal nang lumipat si Liza sa talent agency ni James Reid na “Careless Music” na ayon kay Liza ay tututukan niya rin ang kanyang music career bukod sa pag-aartista sa abroad.

Related chika:

Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: ‘Hindi ka pa ba uuwi?’

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Liza Soberano naging inspirasyon ng baguhang child star na si Geanne Cañete para pasukin ang showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending