Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: 'Hindi ka pa ba uuwi?' Bandera

Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: ‘Hindi ka pa ba uuwi?’

Therese Arceo |November 12,2022
share this

Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: ‘Hindi ka pa ba uuwi?’

Therese Arceo - November 12, 2022 - 09:43 PM

Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: 'Hindi ka pa ba uuwi?'
TALAGA namang isa ang aktres na si Liza Soberano sa mga pinagpalang babae sa mundo dahil kalat na kalat sa social media ang kanyang larawan kasama ang South Korea-based Canadian singer-producer na si Henry Lau.

Marami na naman ang napa-sana all sa mga fersons nang makita nila ang TikTok post ng aktres kasama ang K-pop star kung saan ginawa ng dalawa ang patok na photo-taking craze sa naturang app.

“@iamhenry you were in every frame. Better luck next time!” saad ni Liza sa caption ng kanyang post nitong Huwebes, November 10.

Sagot naman ni Henry, “[Yo]u needed to tell me the rules!!!!

Agad namang nag-trending ang naturang TikTok video na in-upload ni Liza at umabot nga ito ng mahigit 3 million views.

Umani rin ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Liza hindi ka pa ba uuwi?” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “[T]ama na, hakot award ka na!”

“LIZA COLLECTING KPOP IDOLS LIKE POKEMON LMAO!” hirit naman ng isa.

Si Henry ay nagsimula bilang miyembro ng Super Junior-M (2017) at kilala sa kaniyang mga ginawang self-produced music maging theme songs sa mga patok na Korean drama series gaya ng “It’s You” na naging theme song ng “While You Are Sleeping”.

@soberanoliza @iamhenry you were in every frame. Better luck next time! 🤝🏼 #low #fyp #foryou #foryoupage ♬ Low (feat. T-Pain) – Flo Rida

Isa rin itong “musical genius” dahil sa kaniyang talento sa iba’t ibang musical instruments.

Sa hiwalay na TikTok video naman na in-upload ni Henry ay makikitang kinakantahan nito si Liza.

“Sang a lil sumthin for @lizasoberano,” caption ng K-pop star.

As usual ay marami na naman sa mga netizens ang nanggigil kay Liza na tila ginawang hobby ang pakikipag-bonding sa mga kilalang K-pop idols.

Ilan sa mga nakasama ng aktres ay sina Got7 Bambam, iKON DK, at ang K-pop band na The Rose.

At mukhang hindi pa tapos si Liza dahil may post pa ito sa Instagram ng kanilang larawan habang magkasama.

“TikToks and fun conversations at casa @carelessph,” sey ng aktres.

Related Chika:
Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Liza ‘dream come true’ ang pakikipag-bonding sa K-pop idols: The whole time it didn’t feel real to me!

True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending