Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila! | Bandera

Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!

Therese Arceo |September 02,2022
facebook
share this

Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!

Therese Arceo - September 02, 2022 - 01:59 PM

Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!
USAP-USAPAN ngayon ang mga naging pahayag ng kolumnistang si Cristy Fermin patungkol sa TV host-vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na!” kasama sina Wendell Alvarez at Morly Alinio ay napag-usapan nila ang bunsong anak nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

“Ako sa, akin ah, sa panukat ko, wala pong garter ang dila. Dahil kung meron, dapat alam niya kung anong sasabihin niya sa tamang panahon. ‘Yun ang akin, ‘yung alam niya dapat kung kailan niya bibitiwan ang salita sa tamang tiempo,” panimula ni ‘Nay Cristy.

Sa kanilang pagkukwentuhan ay napansin nila ang diumano’y hindi nito iniisip maigi kung ano ang kanyang sinasabi.

Nakumpara pa nga si Alex sa kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga.

Sey ng kasamahan ni ‘Nay Cristy, malayo raw ang pagkakaiba ng dalawang magkapatid dahil si Toni raw ay iniisip muna ang sasabihin samantalang si Alex ay bara-bara lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Napag-usapan rin nila ang nagdaang isyu na kinasangkutan ni Alex nang i-prank siya sa “Lunch Out Loud” ni Matteo Guidicelli.

Bukod pa rito, may nagtanong rin daw kay ‘Nay Cristy patungkol sa pag-uugali ng TV host-vlogger pati sa mga magulang nito at mga kamag-anak.

Chika ni Morly, “Ang magulang, hindi yan pinaglalaruan, hindi yan binabastos. Dapat ang magulang talaga namang nirerespeto.”

Chika naman ni ‘Nay Cristy, “Meron kasi tayong tinatawag na partition ng kagandahang asal sa hindi. Dapat alam n’ya ‘yon. Dapat alam n’ya na sa isang nirerespetong komunidad, wag kang lalagpas doon. Siguradong may masasabi ang tao.”

Dagdag pa niya, “Siya talaga marami siyang salita na hindi katanggap-tanggap sa isang sosyedad na kagandahang asal ang hinihingi.”

Feel daw ni Morly, marahil ay matagal na raw siguro itong gawain ni Alex at ngayon na lamang nasisilip dahil may pangalan na siya sa industriya na sinang-ayunan naman ni ‘Nay Cristy.

Hirit pa ng kolumnista, “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matatanggap ng ating publiko ang ganoon niyang ginagawa. Hahanapan na siya ng pagrespeto sa magulang niya, sa kapwa niya, sa mga taong malapit sa kanya. Unti-unti yan, mararamdaman niya.”

Related Chika:
Alex iniyakan ang akusasyon ng ilang fans: Hinding-hindi ako magiging ingrata!

Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin tinawagan ni Diego, nakiusap na tanggalin ang naisulat tungkol kay Barbie: I don’t like her!

Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending