Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice? | Bandera

Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?

Therese Arceo |January 22,2022
facebook
share this

Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?

Therese Arceo - January 22, 2022 - 04:15 PM

Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?

IPINAGTANGGOL ng kolumnistang si Cristy Fermin ang kaibigang si Lolit Solis matapos itong sagutin ni Jugs Jugueta sa post niya ukol sa diumano’y pagpa-power trip ni Vice Ganda.

Nag-post kasi ang talent manager sa kanyang Instagram ukol sa isyu na siyang sinagot ni Jugs at sinabing masaya raw sila sa kanilang noontime show at wala raw katotohanan ang isyung kumakalat na sinagot muli ni Manay Lolit at sinabing naa-appreciate niya ang sagot ng TV-host-singer at masaya siyang malaman na hindi totoo ang chismis.

Ngunit mukhang hindi nagkakaunawaan ang dalawang kampo dahil nabanggit rin ni Vice habang live sila sa “It’s Showtime” ang tungkol sa post ng talent manager.

Agad namang dumipensa si ‘Nay Cristy at ipinaliwanag rin ang side ng kaibigang kolumnista.

Ayon sa kanya, marami raw kasing nakakarating na chika kay Manay Lolit tungkol sa komedyante dahil sa umano’y mga ginagawa nito sa kanilang noontime show.

“Maraming nakakarating na kwento kay Manay Lolit ma gusto nga niyang isipin na hindi totoo pero ang daming nagpaparating sa kanya na marami na rin daw po ang masama ang loob kay Vice Ganda sa Showtime at hindi lamang po makapagsalita dahil alam n’yo na this,” saad ni ‘Nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Dagdag pa ni “Nay Cristy, wala daw kahit na sino ang maglalakas loob na magsalita laban kay Vice lalo na sa panahon ngayon kung saan nahaharap ang buong mundo sa isang pandemya.

“Sino naman ang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na nabubwisit, naiinis siya kay Vice Ganda sa Showtime?

“Sige nga, isa-isahin natin ang mga myembro ng noontime show kung mayroon maglalakas ng loob kahit isa lang na magsasabi na hindi na tama ang pinaggagagawa ni Vice? Gusto ba nilang mapasama sa mga kababayan nating nawawalan ng trabaho ngayong pandemya?” sey ni ‘Nay Cristy.

Binanggit rin nito ang dating myembro ng “It’s Showtime” na sina Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes.

Hirit pa ni ‘Nay Cristy, “Si Direk Bobet Vidanes di ba sinasabi na power tripper tapos si Billy Crawford, power tripper. E galit si Vice sa dalawa. Gano’n talaga! Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw.”

Sa kabilang dako naman ay masayang-masaya ang mga hosts ng “It’s Showtime” na humakot ng awards sa iba’t ibang award winning body gaya ng 19th Gawad Tanglaw Awards, 4th Gawad Lasallianeta, Phoenix Excellence Awards, at Hiyas ng Sining Awards.

“Natutuwa lang ako talaga dahil ang wonderful lang talaga kasi may mababasa akong umo-okray sa akin tapos kinabukasan may award ako. May magbabagsak sa akin pero iaangat ako ulit… Kahit wala akong ginagawa, may mga kusang nag-aangat sa akin,” sey ni Vice Ganda.

“Marami akong maling nagagawa pero Lord, thank you for seeing and appreciating my intentions and for guiding me to fulfill my purpose. Maraming maraming salamat,” dagdag pa niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending