Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait | Bandera

Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Therese Arceo |November 12,2021
facebook
share this

Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Therese Arceo - November 12, 2021 - 07:28 PM

Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

MAINGAY ngayon ang pangalan ni Vice Ganda matapos mag-trending ang kanyang TikTok video kung saan kinumusta nito ang kanyang bashers kaya naman isa siya sa mga naging artista na pinag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute”.

Ani Nay Cristy, wala raw siyang narinig o nabasang artista na labis ang pangmamaliit sa mga bashers kundi si Vice Ganda lamang.

May nakausap raw siyang dalawang tao na lubos na nakakakilala kay Vice Ganda na nagsabing mayabang at matapang lang ito in public pero pag nasa bahay daw ito ay napa-praning ito at hindi alam ang gagawin lalo na pagdating sa dyowa nitong si Ion Perez.

Nagkwento rin ang co-host ni Nay Cristy na si Romel Chika na nakatrabaho at nakasama niya nang matagal na panahon.

“Lagi nyo pong tatandaan, iba po ang pagkatao kapag kasama ang kaibigan, katrabaho, manager, at boss. Iba-iba po ang karakter ng tao.

“Ako po nakasama ko na po siya bilang katrabaho at kaibigan noong nagsisimula pa siya sa sing along. Hindi magpapatalo yan… Talagang ipaparamdam niya sa ‘yo kung ano ‘yung sinasabi mo. Ibabalik talaga n’ya sa ‘yo kahit sino ka pa,” pagbabahagi ni Romel.

Kaya nga hindi na raw nagulat ang co-host ni Nay Cristy nang kumalat ang isyu.

“Ako naman, mas gusto ko na na maging natural siya. Wag siyang nagyayabang kapag nasa publiko, mamahalin pa siya,” saad ni Cristy Fermin.

May tumawag rin daw sa kanya at sinabing pangit ang ginawa nito sa video kung saan nagpahatid siya sa driver para ipagdasal ang mga bashers niya.

“Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait at mang-menus ng kapwa natin,” dagdag pa Nay Cristy.

Aniya pa, hindi raw lahat ay tulad ni Vice na nabiyayaan ng sobra-sobra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Hindi naman lahat nabibiyayaan. Ang dami ngang ipinanganak na mahirap at namatay ng mahirap dahil hindi para sa kanila ang tagumpay.

“Naghirap siya, oo. Effort niya yan at biniyayaan naman siya, sumikat siya. Pero mukhang tagilid ang pananaw niya ngayon dahil puro pera ang kanyang tinututukan… ‘Yung mga ganon, ipinapanahimik na lamang,” sey pa ni Nay Cristy.

Related Chika:
Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya
Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending