Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya | Bandera

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

Therese Arceo |November 11,2021
facebook
share this

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

Therese Arceo - November 11, 2021 - 09:11 AM

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

USAP-USAPAN na naman sa social media ang kolumnistang si Cristy Fermin pati na rin ang aktres na si Nadine Lustre.

Muli kasing napag-usapan nina ‘Nay Cristy at ng co-host nitong si Romel Chikka sa kanilang show na “Cristy Ferminute” si Nadine.

Ayon sa kanila, marami raw sa mga supporters ni Nadine ang nagagalit dahil raw ipinareha ang aktres kay Diego Loyzaga para sa first project nito matapos ang naging legal issues ng aktres sa Viva, ang kanyang talent management.

“Nagsasagutan ang mga fanney niya at ang mga hindi fanney. Pinag-awayan talaga. Bakit raw si Diego ang ipininareho sa kanya?” saad ni Romel.

“Hoy! Ang galing galing kayang artista ni Diego Loyzaga. Baka siya ang hindi makapantay at makasabay,” agad na kontra ni ‘Nay Cristy sa mga supporters ni Nadine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Laranas (@yamlaranas)

Dito ay nabanggit ng kolumnista ang katatapos lang na proyekto ng aktor na Filipino adaptation ng Kdrama na “Encounter” kung saan leading lady nito si Cristine Reyes.

“Ayoko pong magsinungaling. Papano ko naman huhusgahan ‘yung acting ni Nadine Lustre, hindi ko naman siya pinapanood at hindi ko siya napapanood at wala akong planong panoorin siya dahil wala naman siyang teleserye ngayon, di ba?” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.

Aniya, noon raw ay nasisilip niya ang aktres sa pag-acting sa teleserye kung saan kasama nito sina James Reid at JC Santos ngunit wala raw siyang natatandaang markado sa pag-arte nito.

“Sabi nga ng mga hindi niya fans, ‘Mag-workshop ka muna bago ka humarap sa mga camera’. Di ba may mga ganon?”

Sagot naman ni Romel, pinagmamalaki raw ng mga fans ni Nadine ang award ng aktres gaya ng pagiging “best actress” sa Gawad Urian ngunit may iba rin daw na kinukiwestyon sa mga natanggap na parangal ng aktres.

“Sabagay. Siguro kung mapapanood rin natin si Nadine, baka naman makita rin natin na may itinatago naman siyang galing sa pag-arte,” saad pa ni ‘Nay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagsalita naman sa background at sinabing nag-best actress si Nadine na agad namang sinupalpal ni ‘Nay Cristy.

“Eh hindi nga namin napapanood e,” sey pa ng kolumnista.

Related Chika:
Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending