Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka! | Bandera

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Therese Arceo |October 30,2021
facebook
share this

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Therese Arceo - October 30, 2021 - 10:53 AM

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

TRENDING na naman ang kolumnistang si Cristy Fermin matapos itong magbigay ng komento sa nag-viral na pangba-body shame ng isang netizen kay Nadine Lustre.

Usap-usapan kasi ngayon ang aktres matapos siyang pagsabihan ng netizen na “machuba” na raw siya kasama ang isang tila stolen shot picture ni Nadine na naka-two piece at naglalakad papuntang pool.

Kaya naman sa kanyang programa ay napg-usapan nila Nay Cristy at ng co-host nitong si Romel Chika ang aktres.

“Si Nadine Lustre pumapasyo sa Siargao. Alam mo na ibig sabihin ng pasyo, lakad nang lakad, rampa nang rampa, na naka-two piece.

Laging ganoon… Bibili lang siya ng sarsa, meron siyang pupuntahan. Ewan ko bakit ayaw niyang magdamit. Wala namang nagbabawal sa kanya tapos ngayon nagiging sentro siya ng body shaming,” komento ni Nay Cristy.

Sumagot naman ang kanyang co-host.

“Eh kasi nilalantad niya nay, e. Katulad ng sinasabi natin, nanghihikayat sila na mapansin. Ayan napansin, napag-uusapan, tapos nagagalit,” saad ni Romel.

“Sabi lang naman ng isang… hindi naman basher na matatawag na ‘yun e, netizen. Sabi, ‘Nadine napapansin na tumataba ka na naman. Ingat ingat’, anong masama doon?

“E ikaw, hitad ka. Ayaw mo magdamit, di ba? Pasyo ka nang pasyo kahit saan, kahit bibili ka lang ng sarsa ng lechon, nakaano (two piece) ka lang, kitang kita [ang] katawan mo.

“Para hindi ka nababash, magtapi ka, di ba? Ang dami dami namang paraan. Ang dami dami namang binebentang mga pandong doon. Itapi mo. Magtapi ka. Itago mo ang katawan mo nang hindi ka naba-bash. Ano inaasahan mo kapag ganyan ang ipinapakita mo, buong katawan mo?” mahabang litanya ni Nay Cristy.

Nagbigay rin ng komento si Romel Chika kay Nadine.

“Hay nako, Nadine. Alam mo naman ‘yun. Nararamdaman mo naman ‘yun kapag nagpopa-sexy kayo, alam n’yo kung lumalaki kayo o lumiliit kayo.

“Kapag alam n’yong lumalaki na kayo, alam n’yo na ang dapat n’yong gawin. Magtago tago na ng mga skin kasi alam n’yo sa sarili n’yo na bumibigat na kayo, nadadagdagan ang timbang n’yo. Hindi na maganda sa mga picture-picture,” hirit nito.

Mukhang hindi pa tapos si Nay Cristy sa kanyang litanya at pinagsabihan pa si Nadine na magdamit.

“Atsaka kung ayaw n’yong pasukin ng mga netizens, bashers, at trolls ang inyong buhay, ipinid n’yo. Kayo ang magsara. Katulad ikaw, literal ka na ipinakikita mo ang katawan mo na halos nakahubo’t hubad ka na.

“Ang tinatakpan na lang, ‘yung mga mahahalagang bahagi ng katawan mo. Kapag napapansin ka, nagagalit ka. Ikaw pa nga ang basher na lumalabas dito kasi hindi naman basher ‘yun. Nagpapaalala lang sa ‘yo,” saad ni Nay Cristy.

Napag-usapan rin ng dalawa ang malaking pagkakaiba ni Nadine ngayon sa ugali at pananamit niya ngayon kumpara sa noong nagsisimula pa lamang siya.

“Ibang iba na siya sa dati, noong nagsisimula siya. Ibang iba na siya ngayon. Napaka-liberated na niya ngayon, parang wala siyang pakialam sa sasabihin ng tao. Pero kapag may sinabi, tsaka sila magre-react,” sey ni Romel.

Dito ay nabanggit ni Nay Cristy ang ex-dyowa ni Nadine na si James Reid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

“‘Yung pagiging liberated niya, impluwensya raw sa kanya ‘yan ng lalaking hindi maibenta benta ang bahay. Si James Reid,” muling bwelta ni Nay Cristy.

Muli namang pinagsabihan ng kolumnista si Nadine at sinabing siya mismo ang gumagawa ng dahilan para ma-bash siya ng mga netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ikaw ang kumakaway para lapitan ka ng mga bashers. Kung nagdadamit ka, wala dapat isyung ganyan. ‘Wag mo ipakita ang katawan mo. Wala kaming makikita. Magbalot ka! Hindi naman namin tatanggalin ‘yung balot mo dahil katawan mo ‘yan. Hay naku! Maryosep. Nakakaloka ‘tong babaeng ‘to. Ibang ibang iba na siya ngayon.”

Samantala, napa-tweet naman si Nadine at sinabing, “2021 na toxic pa rin” pagkatapos ay nag-promote na ng kanyang bagong single na “Wait For Me”.

Related Chika:
Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!
Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending