Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon! Bandera

Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!

Reggee Bonoan |October 23,2021
share this

Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!

Reggee Bonoan - October 23, 2021 - 11:09 AM

Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!

“KUNG gusto mo na puro magaganda lang tungkol sa iyo ang mababasa mo, magtayo ka ng sarili mong publikasyon! Magkaroon ka ng isang talk show para puro magaganda lang ang gusto mong sabihin, walang tututol sa iyo!” ito ang payo ng batikang manunulat at online host na si ‘Nay Cristy Fermin kay Kylie Padilla.

Nasabi ito ni ‘nay Cristy sa kanyang Cristy Ferminute program sa Radyo5, One PH at Cignal app nitong Biyernes ng hapon dahil hindi nagustuhan ng ex-wife ni Aljur Abrenica ang opinyon na sinulat nito sa kanyang kolum.

Nagpost si Kylie sa kanyang Twitter/Facebook account nitong Biyernes ng umaga na sinabihan ang manunulat ng, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. ‘Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tingnan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao.

Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda n’yo na. At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”

Pero kaagad din itong binura ng aktres pero huli na dahil marami ang nakabasa at nagsulat sa showbiz online sites.

“Hindi baleng hindi niya ako pasalamatan (sa mga nasulat), huwag lang siyang manghihimasok sa opinyon ko kolum ang sinusulat ko Kylie ang hinihingi doon opinyon hindi ito feature article na iko-quote kita laban kay Aljur Abrenica. Kolum ‘to, opinyon ng kolumnista ang itinataya rito.

“Para panghimasukan mo ang buhay naming manunulat, panghimasukan mo ang trabaho ko sa hanay na kinabibilangan ko hindi kita papayagan. Iisa lang ang puhunan namin. Kung kayo ay kagandahan, kami ay kredibilidad lamang. Hindi ko pananakaw sa iyo ‘yun, Kylie Padilla. Hindi ko ibibigay sa iyo. hindi ko pa rin ipapupulot sa iyo,” paliwanag ni ‘nay Cristy sa aktres.

Sa sinabi pang ‘ang tatanda n’yo na’ ay sinabi ng manunulat at host na darating ang araw na ganu’n din ang mangyayari kay Kylie.

“At ‘yung salitang ang tatanda n’yo na. Ineng, isang araw manalamin ka. Ang mukha mo ay kukulubot, ang katawan mo ay magbabago ng postura. Lahat ng mga bagay na materyal lamang lalo na ang kagandahan nawawala ‘yan, lumilipas ‘yan.”

Muli niyang ipinaalala ang ibig sabihin ng salitang ‘paninindigan’ na mayroon ang tatay ni Kylie na wala siya dahil hindi nito napanindigan ang pinost niya na tinanggal din niya ito kaagad.

“Pero ‘yung paninindigan, mawala ka man sa mundo sasabihin, ‘ay ang taong ‘yan may word of honor ‘yan! May isang salita ‘yan! May paninindigan ‘yan! Kinalaban niya ang buong mundo wala siyang pakialam dahil ang kanyang paninindigan ang ipinaglaban niya’.

“Katulad ng tatay mo, si Robin Padilla lahat tayo ay patungo sa kabilang mundo. Kapag ang tatay mo ay nawala, ganu’n ang maririnig mo!

“Si Robin Padilla sikat na sikat na artista ‘yan pero hindi ipinagbago ng kasikatan ng pera at kapangyarihan. Si Robin Padilla, mabuting tao ‘yan, mabuting puso dahil pati maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikula at telebisyon sine-share-an niya, binabahaginan niya ng kung anumang mayroon siya.

“Iyon ang maririnig mo kapag nawala si Robin na sana ay hindi naman agad-agad pero isang araw lahat naman tayo ay papunta roon.”

Hamon pa ni ‘nay Cristy sa aktres, “Nga pala sabi mo matakot kami kapag ikaw ang magsalita, bakit hindi ka pa magsalita? Dahil kung tunay kang nagmamalasakit at nagmamahal sa mga anak n’yo ni Aljur dapat ay hindi mo isinapubliko ang mga nangyayari sa buhay n’yo! Tama si Robin Padilla, huwag kayong mag social media lumayo kayo sa social media dahil paglaki ng mga anak n’yo, nakakahiya dahil mababasa nila iyan.”

Samantala, sa ganap na 7:43p.m. nitong Biyernes ay nag-post si Kylie sa kanyang Twitter account na sagot sa mga pahayag ni ‘nay Cristy.

“Of course, you pit two women against each other. That’s your game. Sorry it’s not mine. I wish you love and happiness. Next time keep my mother out of it. Love and light.”

 

Related chika:

Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!
Cristy may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending