Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka! | Bandera

Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!

Therese Arceo |October 22,2021
facebook
share this

Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!

Therese Arceo - October 22, 2021 - 05:52 PM

Cristy Fermin rumesbak kay Kylie: Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka!

MAINIT na sinagot ng kolumnistang si Cristy Fermin ang mga maanghang na pahayag ni Kylie Padilla sa kanya kaninang umaga.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako dahil sa mga anak ko.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pagsisira sa ‘kin?

“Grow up! Ang tatanda nyo na. At sana kung sisiraan nyo ako, totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” saad ni Kylie na ngayon ay burado na.

Bagamat burado na ang post ng aktres ay mabilis naman ang mga netizens sa pag-screenshot ng naturang post kaya agad rin itong kumalat sa social media at nakarating kay Cristy Fermin.

Bago pa man sagutin ng kolumnista ang mga patutsada ni Kylie sa kanyang programang “Cristy Ferminute”, ikinuwento muna nito ang kanyang relasyon sa ama ng aktres na si Robin Padilla na lubos niyang hinahangaan dahil sa paninindigan nito.

Aniya, si Kylie naman ang dahilan kung bakit naging bukas sa publiko ang kwento ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica dahil sa mga crytic messages umano na inilalabas ng aktres. Dagdag pa niya, ama rin naman daw ng aktres ang nagkumpirma sa kanyang tell-all interview kay Ogie Diaz.

“Kung tunay na matapang ka, dapat ay tanggapin mo ang hamon. Magkaroon ka ng lakas ng loob para aminin ang katotohanan, hindi ka nagsalita. Kinakaladkad ka na ng asawa mo para magsalita ka, para linawin ang isyu nyo, hindi ka nagsalita,” bwelta ni Nay Cristy.

Ayon pa kay Nay Cristy, kung sa kanya raw ito ginawa ng isang lalaki ay paniguradong magsasalita siya at dedepensahan ang sarili bagay na hindi ginawa ng aktres.

Sinabi rin niya na hindi pwedeng manduhan ng aktres ang mga manunulat kung ano ang kanilang sasabihin at susulatin.

“Hindi mo ako pwedeng diktahan ng kung ano lang ang gusto mong mabasa sa columns ko at inuulit ko, iisa lamang ang aking puhunan sa hanay ng panulat. Kredibilidad lang,” saad ni Nay Cristy.

“Kylie, hindi pa ipinapanganak ang artistang magmamando at magdidikta sa akin ng kung ano ang dapat ko lang sulatin at sabihin. Sorry sa ‘yo, maling puno ang tinahulan mo,” dagdag pa nito.

Binanatan rin nito ang aktres dahil sa biglaang pagbawi niya ng kanyang pahayag at tinanong ito kung nasaan ang paninindigan ng aktres.

“Kapag meron kang sinulat o sinabi, panindigan mo. Karapatan mo ‘yun eh. Sarili mo yan,” sabi nito.

Hinamon rin ng kolumnista na ilabas ni Kylie ang diumano’y source niya para magkaharap-harap sila.

Chika pa niya, ang tanging mensahe lang ng aktres para sa kanya ay ang “Hi Cristy Fermin” at ang mga sumunod na pahayag ay patutsada na raw ng aktres sa pamilya ni Aljur.

“Yun yon. Alam ko sa sarili ko na sila ang pinatatamaan mo. Hindi mo lang madiretso. Hindi mo lang sila maituro,” sey pa nito.

Hirit pa nito, marahil ay nagalit raw ang aktres dahil pinuri ni Nay Cristy ang sexy actress na si AJ Raval matapos itong humingi ng patawad sa mga taong naapektuhan sa kanyang nagawang pag-share ng viral statement ni Aljur na ngayon ay tila burado na rin.

“Kung tunay ka na concern sa mga anak mo, dapat ay hindi mo binuksan ang mga pahina ng libro ng hiwalayan nyo ni Aljur Abrenica.

“Kayo pa rin dalawa ng asawa mong si Aljur ang magreresolba ng problema nyo. Kayong dalawa lang talaga ang dapat mag-usap para sa ikakabuti ng relasyon nyo. Wag kang turo nang turo baka mamatanda ka,” matapang na hamon ni Nay Cristy.

Bukas naman ang BANDERA sa pahayag nina Kylie Padilla, Aljur Abrenica, at Robin Padilla ukol sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon.

 

Related chika:
Kylie hindi na nakapagtimpi kay Cristy Fermin: Grow up! Ang tatanda nyo na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending