Kylie hindi na nakapagtimpi kay Cristy Fermin: Grow up! Ang tatanda nyo na
HINDI na nga nakapagpigil ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga patutsada ibinabato sa kanya ng kolumnistang si Cristy Fermin.
Tuluyan nang tinawag ni Kylie ang pansin ng kolumnista sa kanyang Twitter account.
“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako dahil sa mga anak ko,” saad ni Kylie.
Pinaalalahanan pa niya ang kolumnista na tignan muna ang sariling kamalian bago husgahan ang iba.
“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pagsisira sa ‘kin?” mainit na tanong ni Kylie.
Dagdag pa niya, “Grow up! Ang tatanda nyo na. At sana kung sisiraan nyo ako, totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”
Matatandaang naging topic ni Cristy sa kaniyang programa ang hiwalayang Kylie at Aljur.
Nabanggit ng kolumnista na ayon umano sa kanyang source, lagi raw may kausap si Kylie kahit na noong magkasama pa sila ni Aljur. Kahit madaling araw na daw ay makikita pa ring may kausap ang aktres sa kanyang telepono.
“Kung natatandaan nyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden. Kahit na madaling araw, oo, may kausap sa phone, bumababa siya.
“Kahit sa kusina, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, ‘di ba? Lalaki ‘yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay,” ito ang sinabi ng kolumnista sa kanyang programa.
Sa ngayon ay deleted na ang post ni Kylie.
Related chika:
Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin
Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.