Cristy may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke Bandera

Cristy may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke

Therese Arceo |September 17,2021
share this

Cristy may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke

Therese Arceo September 17, 2021 - 06:07 PM

MARAMI sa mga madlang pipol ang naimbyerna sa kanegahan ng columnist na si Cristy Fermin.

May mga netizens kasi na nagsabi na ginagaya raw ni Jinkee Pacquiao ang beauty ng aktres na si Kristine Hermosa.

“Siguro naman ay hindi ‘yun sadya ni Aling Jinkee. Kahit ano naman siguro ang gawin niya, kahit subsob pa niya sa uling ang mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon,” saad ni Cristy.

“Eh si Jinkee, alam naman natin kung anong pinagdaanan ng kagandahang pinanghahawakan nito ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo,” patutsada niya sa asawa ni Pacman.

Agad namang rumesbak ang ilang netizens at binash ang kolumnista sa kaniyang pisikal na itsura at sinabing palibhasa ay wala siyang pera kaya panay ang puna niya kay Jinkee.

“Wala daw po akong pera na ipaparetoke, kaya daw ko po pinipintasan si Jinkee. Unang-una po, hindi ko po kailangan ng pera para makapagparetoke,” matapang na saad niya.

Marami raw siyang anak-anakan na doktor na nag-o-offer sa kaniya para magparetoke pero siya mismo ang tumatanggi.

“Si Dra. Vicki Belo na anak-anakan ko, isa lang ang sasabihin, ‘Nanay, wala kang gagawin, hihiga ka lang’.

“At kung sakali naman po mga kapatid na akoý mabibiyaan ng malaking halaga, hindi pa rin po ang pagpapaayos ng mukha ang aking patutuunan. Yung mga pangunahing pangangailangan pa rin po ng aming pamilya, yun pa rin po,” pagpapaliwanag niya.

Aniya, may kanya-kanyang trip ang mga tao. Mayroong mga taong bet magpaganda at mayroon rin daw na walang pake sa looks.

Mayroon ring nagsabi na binabash niya ang mga nagparetoke samantalang nagparetoke rin naman daw ang kolumnista na agad namang pinabulaanan ni Cristy.

“Mag-aalis po ako ng salamin. Ayan po mga kapatid. Kung nagparetoke po ako, itong ilong ko na taga-Sarrat Ilocos, eh di dapat tumayo na ‘to. Nagkaroon na sana ako ng bridge.”

“Pero wala po, hindi rin po ako nagpapa-inject ng kung anu-ano. Hindi rin po ako nagpapa-lift lift ng kung anu-ano. Wala po sa akin yun. Hindi ko po ano yun.

“Nagpakatotoo lang naman po ang tao. Wala pong krimen dun,” saying “Ang krimen po ay yung nagpagawa pero ide-deny,” patutsada niya.

Giit niya, nagpapakatotoo lang siya at nasubaybayan niya ang kagandahan ni Kristine na totoo at hindi pinaretoke. Nakita rin niya ang itsura ni Jinkee noong hindi pa ito nagpapaayos at malaki raw talaga ang pinagkaiba ng itsura nito ngayon.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending