Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin Bandera

Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin

|October 19,2021
share this

Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin

October 19, 2021 - 03:04 PM

Direk Bobet Vidanes nilait sina Vice at Vhong, ani Cristy Fermin

DIRETSAHANG inilahad ng kolumnistang si Cristy Fermin ang mga ginawa ni Direk Bobet Vidanes habang siya pa ang direktor ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

“Itinataya ko po ang pangalan ko rito kasi sa akin po nag-text ang mga dati niyang kasama at ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan.

“Ito, bibigyan kita ng sampol, Rommel, para magising nang kaunti itong may kaangasang direktor na ito.

“Mayroong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi ang bobo ni Vhong Navarro. Si Vice naman, basura talaga ang ugali ng bakla. Naririnig ‘yon ng mga cameramen sa headset. Wag siyang magsinungaling,” kuwento ni Cristy.

Aniya, hindi raw pwedeng magsinungaling si Direk Bobet dahil naririnig siya ng mga tao sa production.

Dagdag pa niya, hindi rin siya naniniwala na hindi pera ang naging dahilan ng paglipat nito sa ibang bakod.

May dalawa raw kasing male co-hosts na tila pinagmalakihan pa niya ng offer na ibinibigay sa kanya ng ibang network.

“Nandoon pa siya sa Showtime, nakikipag-usap na siya doon sa lulundugan niyang produksyon. Anong tawag mo doon, di ba? Hindi pa man naililibing ‘yung namamatay, nakaburol pa lang, iniiwan na. Parang ganon,” sey pa ni Cristy.

Dapat raw ay nag-ingat si Direk Bobet at hindi na lang nagsalita ukol sa isyu na matagal nang nakabaon sa baul.

“Walang lihim na hindi nabubunyag. Lalabas rin ang katotohanan,” hirit pa ni Nay Cristy.

“Pag nagsasama ang mga nakarinig pati ang mga hosts ng Showtime, dikdik na dikdik talaga siya,” sey naman ni Rommel.

Nabanggit naman ni Nay Cristy si Vice Ganda na kasalukuyang nasa Amerika dahil sa kaniyang concert.

“Pagbalik ni Vice, hintayin po natin kung ano naman ang kaniyang saloobin sa pag-iyak na luhang buwaya nitong si Direk Bobet Vidanes. Tignan natin,” saad pa ni Nay Cristy.

May pasabog nga kaya ang kampo ng “It’s Showtime” sa pagbabalik ni Vice na matagal ring nananahimik matapos ang pagsasalita at pag-iyak ni Direk Bobet sa isyu?

Karagdagang ulat:
Direk Bobet Vidanes sa pag-alis sa It’s Showtime: It’s not about money

Vice Ganda may hugot sa ‘kind things’; deadma sa pasabog ni Direk Bobet

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending