Direk Bobet Vidanes sa pag-alis sa It's Showtime: It's not about money Bandera

Direk Bobet Vidanes sa pag-alis sa It’s Showtime: It’s not about money

Therese Arceo |October 12,2021
share this

Direk Bobet Vidanes sa pag-alis sa It’s Showtime: It’s not about money

Therese Arceo October 12, 2021 - 03:26 PM

TULUYAN nang binasag ni Direk Bobet Vidanes ang kaniyang naging dahilan sa paglisan mula sa bakuran ng Kapamilya network at sa programa nitong “It’s Showtime” kung saan naging bahagi siya ng 11 years.

Isa sa naging rason kung bakit mas naging kontrobersyal ang paglisan ni Direk Bobet sa “It’s Shoetime” matapos maglabas si Vice Ganda ng saloobin nito sa vlog ni Ryan Bang na parte rin ng Showtime Family.

Aniya, wala raw silang kaalam-alam kung anong nangyari at bigla silang iniwan ng direktor samantalang nangako pa raw ito nang mag-celebrate ang programa ng 11th Anniversary.

“Tinext ko siya para usap kami. Para lang maintindihan ko, di ba? Hindi niya ako sinagot. Para alam ko man lang, o alam man lang natin, o isa man lang sa atin, may alam yung totoong rason. Di ba?

“Kasi, yung rason, ‘yon yung sinabi niya sa management. Pero personal, wala naman siyang kinausap sa atin, di ba Nakakagulat lang, parang after 11 years… doon lang pala iyon,” saad ni Vice.

Naganap ang 11th anniversary ng “It’s Showtime” noong Oktubre 2020. Nobyembre 2020 naman nang napabalita ang kaniyang pag-resign sa ABS-CBN at paglipat bilang consultant ng “Lunch Out Loud”, noontime show na mapapanood sa TV5.

Mula noon ay nanatiling tikom ang bibig ng direktor ngunit siguro ay nakapag-ipon na ito ng lakas ng loob kaya tuluyan na nitong binasag ang katahimikan para matapos na ang issue.

Kahapon, Oktubre 11, ipinagdiwang ng Tripang LOL ang kaarawan ni Direk Bobet.

Matapos ang kaniya-kaniyang mensahe ng mga hosts sa direktor ay pinaunlakan naman nila ito kung may nais itong sabihin.

Hindi na nga nagpatumpik-tumpik ang direktor at isiniwalat na ang kaniyang saloobin.

“Baka ‘di ko kayanin kasi. Kasi never akong nagsalita after kong umalis sa ABS-CBN. Ang daming nagpa-unlak sa akin na baka puwedeng mag-explain ako pero never kong ginawa,” umpisa niya.

Dito na nga tuluyang napaiyak ang direktor.

“May dahilan po kasi… may dahilan po kaya baka hindi n’yo po ako maintindihan. Alam mo naging pamilya ‘yung stage [ng Lunch Out Loud], pamilya rin ‘yung panahon ng birthday ko nandito ako with the artists, magkakaiba nga lang ‘yong mukha.

“I miss my family, I miss my Showtime family pero ang nakakatuwa noong nagbibigay kayo ng messages sa akin, for the longest time, sila Anne Curtis ang kaharap ko, sila Jugs and Teddy. Nakakatuwa, ‘yon pa naman nagbibigay ng message sa akin so parang ang lawak na pala ng nagmamahal sa akin.

“Ito lang po, pagpasensyahan n’yo na po sa mga taong ‘di nakaintindi. Konting paliwanag lang po… Hindi naman ako natanggal sa ANS-CBN e, umalis po ako. Nagpaalam po ako sa management nang maayos at ang sabi po ng management sa akin, alam n’yo yan, na kayo ang magpapaliwanag sa mga artists ko.

“For some reason, siguro naman maiintindihan n’yo ako kung sasabihin ko na kapag ako ay lumipat, baka sumama pa sila and you don’t like that. Ayoko rin naman ‘yon kaya ipinag-bigay tiwala ko sa inyo na kayo na ang magpapaliwanag sa mga artists ko. Ngayon sinasabi ng mga artists ko, iniwan ko sila,” pagpapatuloy niya.

Aniya, ang tunay na rason ng kaniyang pag-alis ay ang kaniyang kalusugan.

“Isa pa po sa main reason kung bakit ako naghanap ng ibang buhay, ito po totoo po ito, pinili ko po ‘yung health, ‘yung kalusugan, kasi po ‘yung pagtatrabaho ko po sa kabila, hindi na healthy. Mamamatay po ako nang maaga. Ang ganda noong programa pero it’s not healthy anymore.

“To make it short lang, I’m here sa LOL or any program, no pressure, I’m happy now. Maraming salamat,” dagdag pa niya.

Giit niya, wala ring katotohanan na pera ang dahilan sa kaniyang paglipat.

“It’s not about the money, it’s about health. I hope po naiintindihan n’yo. Sana po sarado na po tayo doon. It’s my health, it’s not healthy anymore pero sobrang mahal ko po ‘yung kumpanyang ‘yan. Sobrang mahal ko ‘yung programa na yan.

Nagpasalamat rin siya sa mga kasamahan sa LOL at humingi ng fawad sa mga taong hindi niya nasabihan at napag-paalaman.

Nagpasalamat rin ito sa kaniyang boss na si Albee Benitez.

“Gusto ko lang mg-thank you sa isang tao na nag-save sa akin. ‘Di naman niya dinagdagan ‘yung sweldo ko nung umalis ako sa ABS-CBN, pero sobra ang pagmamahal sa ‘kin ng tao na to.

“Eto lang ‘yung isang talagang nakaka-proud. Never akong pinagalitan ng taong ito. Sabi ko nga ‘Boss, pagalitan mo naman ako. Baka may ginagawa akong mali’, boss Alvin Benitez, thank you very much. I have my peace now.

Nagbigay mensahe rin ito kay Direk Bjoy Balagtas.

“Hindi ako pumunta rito para palitan kita inaanak, alam mo yan. I’m here to guide you, to help you, pasensya na po.

Samantala, nagpasalamat rin ito kay Billy Crawford, isa sa mga matalik niyang kaibigan at kasama rin sa programa na kasalukuyang nagpapagaling.

“Men, i love you. Thank you very much.” sey ng direktor.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending