Vice Ganda may hugot sa 'kind things'; deadma sa pasabog ni Direk Bobet | Bandera

Vice Ganda may hugot sa ‘kind things’; deadma sa pasabog ni Direk Bobet

Therese Arceo - October 13, 2021 - 02:56 PM

“THINK of kind things you did today. Your small and big wins. Smile and have a sound sleep. Nytie!”

Ito ang tweet ni Vice Ganda na gumagawa ng ingay ngayon sa social media. Marami kasi ang nagsasabing tila “cryptic” ang post niyang ito matapos ang naging pahayag ni Direk Bobet Vidanes sa kaniyang birthday celebration sa “Lunch Out Loud”.

Sa nasabing pahayag kasi ay isiniwalat nito ang tunay na rason kung bakit nito iniwan ang “It’s Showtime” kung saan 11 years siyang nagsilbi bilang direktor ng programa.

Nobyembre 2020 nang mag-resign si Direk Bobet sa “It’s Showtime”, ilang araw matapos i-celebrate ang 11th year ng show.

Ayon kay Direk Bobet, ang kaniyang kalusugan ang pinaka naging dahilan ng kaniyang pag-alis. Mahal daw niya ang programa ngunit hindi na kakayanin ng kaniyang kalusugan at mamamatay daw ito nang maaga kung magpapatuloy.

Dagdag pa niya, ipinagbigay na raw niya sa management na sila ang magsabi sa hosts ng rason ngunit tila hindi ito nangyari dahil ayon nga kay Vice ay clueless sila sa rason nito.

Mukha namang deadma at naka-move on na si Vice sa isyu na ito.

Marahil nga ay mas nais na lang nito ng kapayapaan dahil matagal na rin naman ang nangyari.

Gaya nga ng kaniyang tweet, marahil ay nais na lang rin ng komedyante na isipin ang “kind things” na pinagsamahan nila ng direktor.

Kahit papaano kasi ay itinuring rin nila ito bilang tatay lalo na’t matagal at marami rin silang pinagsamahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan na lang natin sa mga susunod na araw kung maglalabas nga ba si Vice o ang iba pang hosts ng programa ng kanilang pahayag.

Bukas naman ang BANDERA sa mga nais maglabas ng pahayag ukol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending