Cristy Fermin tinawagan ni Diego, nakiusap na tanggalin ang naisulat tungkol kay Barbie: I don’t like her! | Bandera

Cristy Fermin tinawagan ni Diego, nakiusap na tanggalin ang naisulat tungkol kay Barbie: I don’t like her!

Reggee Bonoan |March 19,2022
facebook
share this

Cristy Fermin tinawagan ni Diego, nakiusap na tanggalin ang naisulat tungkol kay Barbie: I don’t like her!

Reggee Bonoan - March 19, 2022 - 03:02 PM

Cristy Fermin tinawagan ni Diego, nakiusap na tanggalin ang naisulat tungkol kay Barbie: I don’t like her!

MAY pasabog na naman si Nanay Cristy Fermin tungkol sa pagtawag sa kanya ng aktor na si Diego Loyzaga para tanungin kung sino ang sources nito tungkol sa series ng mga away nila noong nakaraang taon ng ex-girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Sa “Showbiz Now Na” YouTube channel ni ‘nay Cristy kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ay ikinuwento nito na tumawag sa kanya si Diego kaya sinabihan siyang ‘ang suwerte mo naman ‘nay’ at ‘nakatanggap ka na naman ng tawag?’ ng dalawa.

“Suwerte? Tinatanong-tanong niya ako kung sino ang source ko sa mga sinasabi ko (Cristy Ferminute) at sa mga sinusulat ko,”sagot ng batikang manunulat at host ng CFM ay SNN.

Inalala ni ‘nay Cristy ang naibahagi niya sa tagapakinig niya at nagbabasa ng mga kolum niya na tumakbo isang gabing umuulan si Barbie Imperial sa bahay nila sa Antipolo (City). Sinundan daw ito ni Diego at pinilit na pumasok sa bahay nila.

Ang ikalawa ay sino rin ang source sa isyung magpapakamatay si Barbie kapag nilayuan ni Diego at ang madalas na pag-aaway ng ex-couple sa bahay ng aktor.

‘Anong sinagot mo, ha, ha, ha,” duetong tanong nina Romel Chika at Morly.

“Gustong pa-pull out ni Diego doon sa online ‘yung sinulat ko (pahayagan), ‘tita puwede pong patanggal ‘yung kolum n’yo nakalagay sa online?’

“Sabi ko, ‘Diego kolumnista ako, manunulat ako pero I don’t have the right na kausapin ang mga boss na i-request at tanggalin sa online ang kolum ko. Call nila ‘yun hindi akin.’ Kasi masyado raw nade-depress. Depressed na depressed daw si Barbie do’n sa nabasa,” kuwento ni ‘nay Cristy.

Hirit ni Morly, “ano naman ang depressing doon, e, kung totoo naman?”

Patuloy ni ‘nay Cristy, “sabi ko, ‘Diego bago tayo magpatuloy ng pag-uusap, tama ba ‘yung mga sinusulat ko?’ Sabi niya, ‘why? but not complete.”

“Sabi ko, ‘nung tumakbo ba si Barbie ng umuulan sa bahay n’yo sa Golden Hills sa Antipolo na sinundan mo? Sabi niya, ‘pati po ‘yun nalaman n’yo?’

“Kasi kayong dalawa public figure kayo pareho, sa subdibisyon pinagkukuwentuhan kayo (at) nakakarating sa aming mga kolumnista ‘yung mga nangyayari,” paliwanag ng manunulat kay Diego.

Humirit ng tanong ulit ang aktor, ‘e, ‘yung pong pagpapakamatay?”

“Yun ang itanong mo kay Barbie kasi hindi ko talaga sasabihin kung sino ang sources ko, hindi koi da-divulge sino nagsasabi lalo na ‘yung pag-aaway ninyo, nagkakalabugan kayo tapos ang iingay n’yo. Naririnig ng mga kapitbahay.

“Ang Casa Nueva (townhouses sa New Manila) diyan nakatira si Bing (Loyzaga) at si Janno (Gibbs). Napuntahan ko na yang townhouse na ‘yan at tabi-tabi at madidinig kapag nag-aaway kayo,” katwiran ni ‘nay Cristy kay Diego.

“So who do you think spreading the news?” balik-tanong ni Diego sa host.

“Huwag ako ang tanungin mo, ako sinusulat ko lang,” saad ni nanay Cristy.

Natanong daw ulit ng aktor kung huli na itong mga nasulat ng manunulat pero sinabi nitong meron pang lalabas.

Biglang hirit daw ng aktor kung nagkakausap sina nanay Cristy at mommy nitong si Teresa Loyzaga na kasalukuyang nasa Australia na inamin naman at nangyari ito noong Disyembre.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Sa madaling salita ay pinagdudahan ng binata ang ina na isa sa sources ni ‘nay Cristy na itinanggi naman dahil sino ba namang ina ang ilalaglag ang anak.

Hirit naman ni Romel Chika, “e, talagang papasok sa isipan niya kasi ang nakakaalam lang nito ay ‘yung nandito lang sa bahay namin at ‘yung malalapit lang dito na kapitbahay namin.”

“Sabi ko nga, of course not, hindi gagawin ng mommy mo ‘yun dahil kapag ginawa niya ‘yun, damay ka! Collateral damage ka dahil girlfriend mo si Barbie,” katwiran ni nanay Cristy.

Sabi pa ni Diego, “kasi she (Barbie) really gets depressed lagi na lang siyang na-ano (nalulungkot) sa mga lumalabas.’

“Naku ‘yan naman si Barbie sabi ko, ‘sorry Diego ha. If you still love her okay lang pero I don’t like her!’ diretsahang sabi ni nay Cristy sa aktor.

“Why naman tita?” sambit daw ni Diego.

“Paano ko mamahalin ang taong puro negativity ang buhay?”katwiran ng manunulat.’

At ang ending ng usapan ay niyaya siyang mag-dinner sina ‘nay Cristy, Barbie at Diego na sana ay pagbigyan sila ng aktres.

Puring-puri ni ‘nay Cristy si Diego dahil napakagalang daw kausap at hindi nawawala ang po at opo at higit sa lahat, ke maganda o hindi ang nasulat ay marunong magpasalamat bagay na iilan lang ang may ganito sa mga kilalang artista ngayon.

Kaya sobrang pinuri rin ni nay Crist yang papalaki ni Teresa sa anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Di ba may mga artistang may kabastusan kapag tumawag? Bakit mo ako sinulat ng ganyan-ganyan,” say ni nanay Cristy.

 

Related Chika:
Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman
Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending