Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito! | Bandera

Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!

Therese Arceo |December 03,2021
facebook
share this

Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!

Therese Arceo - December 03, 2021 - 02:18 PM

Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!

NAGKAUSAP na ang kolumnistang si Cristy Fermin at young actress na si Barbie Imperial. Ito ay ibinahagi niya mismo sa kanyang show na ‘Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Aniya, tinawagan raw ni Barbie ang ina ni Diego na si Teresita Loyzaga at ibinalita na galit sa kanya si ‘Nay Cristy dahil sa mga sinabi nito sa mga nakaraang episode ng kanyang digital show.

“Hindi ba kahapon may sinabi ako na ‘isaksak mo sa baga mo si Diego’? Ang dami dami pa lang nagpadala ng clip na ‘yun kay Barbie Imperial at Diego,” umpisa ni ‘nay Cristy.

Paglilinaw niya, hindi naman daw siya galit kay Barbie at ang ayaw nito ay ang ginawa ng dalaga na pagtawag na “kabit” sa kapwa artista na si AJ Raval.

“Hindi po ako kailanman nagagalit sa isang artista dahil ano po ang ikakagalit ko sa kanila, hindi naman po nila ako sinasaktan. Ang ayaw ko po ay ‘yung kanilang ginagawa, ‘yung kanilang sinasabi,” pagpapatuloy ni ‘nay Cristy.

Sinabi rin niya na nagre-react lamang siya at hindi siya galit sa kahit na sinong artista kahit pa sa nakaalitan nito noong nakaraan na si Kylie Padilla.

Going back, ikinuwento na niya ang naging usapan nila ni Teresita patungkol sa isyu. Isinama pa nga raw ng ina ni Diego si Barbie sa tawag para magkausap na rin sila ni ‘nay Cristy.

Inamin rin ng kolumnista na totoo ang mga ipinadala sa kanya na mga sinabi niya at paninindigan pa rin daw niya ito.

“Ayoko ng tabas ng dila mo. Sa ganitong argumento, you take the higher ground. You take the higher road. Ngayon kung ang kalaban mo ay nasa lower road at pinakamababa pa, hayaan mo siyang tumira doon. Ikaw dapat, mas mataas ka sa kanya pagdating sa iyong mga opinyon at mentalidad.

“Wag ka na lang kasing pumapatol. Ang dali dali mo kasing i-provoke. Isang kalabit lang sa ‘yo, magsasalita ka na agad. Mahal na mahal ka ni Diego. Hindi ka dapat ma-insecure,” pangaral ni ‘nay Cristy kay Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Ipinaliwanag ng kolumnista na hindi siya galit at nag-aalala lang sa young actress. Sa katunayan ay isa si ‘nay Cristy sa mga nagtatanggol sa kanya sa tuwing nagkakaroon siya ng isyu.

“Lagi n’yo po akong pinagtatanggol kaya nga nagulat po ako bakit n’yo po nasabi ‘yon,” sey ni Barbie na ang pinatutungkulan ang mga negative na sinabi ni ‘nay Cristy laban sa kanya.

Sa huli ay naging maayos naman ang lahat sa kanila at nagkalinawan na rin.

“Ako naman, bilang nanay-nanayan ni Diego, ganoon rin ang tingin ko kay Barbie. Sinumang mahal ng anak-anakan ay mahal ko rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So sabi ko na lang kay Barbie, ‘Anak, huwag ka na kasing pumapatol… napo-provoke ka agad…’ so parang nangaral ang ina sa anak.

“Alam mo kung bakit mahal ko si Barbie Imperial at nagagalit lang ako kapag meron siyang nagagawang hindi tama? Alam ko ang buhay ng batang ito. Alam na alam ko ang kanyang pinag-ugatan,” sey pa ni ‘nay Cristy.

Related Chika:
Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman
Barbie sinupalpal uli ni Cristy Fermin: Isaksak mo sa baga mo si Diego!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending