Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging 'mistress' ang sinuman Bandera

Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman

Therese Arceo |December 01,2021
share this

Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman

Therese Arceo - December 01, 2021 - 07:01 PM

Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging 'mistress' ang sinuman
NAGBIGAY ng komento ang kolumnistang si ‘nay Cristy Fermin ukol sa isyu sa pagitan ng dalawang aktres na si Barbie Imperial at AJ Raval.

Ito ay ukol sa kwentong sinimulan ni Xian Gaza na pinupuntahan daw ni Diego si AJ sa kanyang bahay sa Pampanga habang nasa Manila si Barbie na dyowa niya.

“Nakakaawa naman si AJ Raval, pangalawa na ito. Una kay Aljur, ngayon naman dito Diego (Loyzaga).

“Pinagbibintangan siya na ‘third wheel’ doon sa Diego-Barbie at siya. Hindi naman totoo ito,” saad ni ‘nay Cristy.

Pinag-usapan rin niya at ng kanyang co-host na si Romel Chika ang naging pahayag ni Barbie sa interview niya kay Boy Abunda kung saan tinawag ni Barbie si AJ na “kabit”.

Mukhang hindi nagustuhan ni ‘nay Cristy ang naging pagtawag ni Barbie ng “kabit” kay AJ Raval.

“Teka muna naman, mag-asawa na ba sila? Mag-asawa na ba sila para i-brand niya na third wheel itong si AJ Raval?” pagkwestyon ni ‘nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

“Tsaka kung secured ka sa karelasyon mo, hindi mo na kailangan pang manghamon. Bakit ka manghahamon? Anong gusto mong marinig?” dagdag naman ni Romel Chika.

Chika pa ni ‘nay Cristy, mukhang magiging malaking gyera ang salpukan ng dalawang aktres kung walang titigil sa kanilang sa patutsadahan.

“Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa. Kaya wala ka pong karapatan na tawaging “mistress” ang sinumang babae na napapalapit kay Diego.

“Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo yang pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na kabit. Wala. Wala.

“Wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na,” mahabang litanya ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa niya, kilalang-kilala raw si Barbie sa pagiging sutil samantalang si AJ naman ay maayos raw ang pagmamalaki.

“Pero kapag nagalit ang mabait, tignan natin kung ano ang aabutin nito,” sey pa ni ‘nay Cristy.

Related Chika:
Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending