Alex iniyakan ang akusasyon ng ilang fans: Hinding-hindi ako magiging ingrata! | Bandera

Alex iniyakan ang akusasyon ng ilang fans: Hinding-hindi ako magiging ingrata!

Ervin Santiago |March 16,2021
facebook
share this

Alex iniyakan ang akusasyon ng ilang fans: Hinding-hindi ako magiging ingrata!

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 02:42 PM

INIYAKAN ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga ang balitang may mga tagasuporta siyang masama ang loob dahil feeling nila, binabalewala at dinededma lang sila ng dalaga.

Nang makarating kay Alex ang isyung ito, agad siyang naglabas ng mensahe sa kanyang social media account para linawin ang problema.

Sabi ng aktres at YouTuber, talagang naapektuhan siya nang malamang may ilang fans na nagsasabing feeling “neglected” sila sa kabila ng walang sawang pagsuporta sa kanya ng mga ito.

Nag-post si Alex sa kanyang Instagram Story para sa lahat ng kanyang supporters na patuloy na nagmamahal at nagtitiwala pa rin sa kanya.

“People may call me anything they want but I will never ever be ungrateful. I love you all and I appreciate you.

“Knowing some of you feel neglected makes me sad. Kilala ko kayo by your usernames especially when I see all your tags and efforts. You are all part of my journey. Blessing kayo lahat sa akin,” pahayag ng sisteraka ni Toni Gonzaga.

Ipinagdiinan pa ng TV host na kahit nasaan pa mang bahagi ng mundo ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta ay patuloy niyang mamahalin at walang pagod na pasasalamatan.

“Madami, kaunti, malayo, malapit, madalas, minsan… alam kong sumusuporta kayo. Mahal ko kayo at ng buong pamilya namin,” sey ni Alex.

Dagdag pa niyang message sa madlang pipol, “I don’t get affected because of bashing but this one with my supporters made me cry because I really appreciate all of you. Let’s just have peace please.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending