Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang 'di magagalit si mister, pagbigyan na! | Bandera

Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Ervin Santiago |January 17,2022
facebook
share this

Alex may b-day pasabog: Only time I can post this nang ‘di magagalit si mister, pagbigyan na!

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 01:20 PM

Alex Gonzaga at Mikee Morada

NAPA-WOW at nasorpresa ang mga fans at social media followers ni Alex Gonzaga sa pasabog niyang post para sa kanyang 34th birthday kahapon, Jan. 16.

Ibinandera ng actress-TV host at vlogger sa Instagram ang kanyang birthday photo na sa unang tingin ay para siyang walang suot na damit kaya aakalain mong hubo’t hubad siya.

Pero kapag tinitigan mo na ang litrato at tiningnan nang malapitan ay may suot naman pala siyang underwear na kakulay ng balat.

“It’s my B-day!!! Bold day! Only time I can post this nang di magagalit si mister Morada! Pagbigyan na,” ang nakalagay na caption sa kanyang IG post.

Bumuhos naman ang mga nakakalokang reaksyon at pagbati kay Alex mula sa kanyang mga fans at IG followers kabilang na riyan ang ilang kaibigan niyang celebrities.

View this post on Instagram

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Mensahe ni Karen Davila, “Hahahaha Happy Birthday dear Alex! At first I thought you were naked lol. You are such a blessing to so many! Keep your heart close to Christ @cathygonzaga.” 

“Happy birthday Catherine. Love you!!!” post naman ng celebrity stylist na si Liz Uy.

“Ay nanlaban siya….nagpumiglas…!” hirit ni Fifth Solomon.

Pagbati ng isa niyang follower, “Happy Birthday Ate Alex! Thank you for bringing so much joy! We love you so much!” 

Hindi rin siyempre nakalimutan ng kapatid niyang si Toni Gonzaga na batiin siya sa pamamagitan ng social media.

“Happy birthday @cathygonzaga! You know much I love you..You’ll always have me… Forever,” ang message ni Toni para sa nakababatang kapatid.

Samantala, nag-post din ang asawa niyang si Mikee Morada ng photo nila na magkasama sa Instagram na kuha noong magbakasyon sila sa Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy birthday sa pinakamamahal kong asawa. Very thankful that we were able to spend this time together and nakabawi ng kaunti sa mga utang kong oras sa iyo. Love you!” ang nakalagay na caption sa nasabing birthday post ng batang politiko.
Ni-repost naman ni Alex ang pagbati ni Mikee sa kanyang Instagram stories at sinabing, “Pinaka-aantay ko bati sa IG.” Nilagyan pa niya ito ng laughing-crying emoticon.

Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Alex Gonzaga patuloy ang pagrereyna sa YouTube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending