Cristy Fermin hindi kumbinsido na ‘family friend’ ang waiter na pinahiran ng cake ni Alex Gonzaga | Bandera

Cristy Fermin hindi kumbinsido na ‘family friend’ ang waiter na pinahiran ng cake ni Alex Gonzaga

Pauline del Rosario |January 27,2023
facebook
share this

Cristy Fermin hindi kumbinsido na ‘family friend’ ang waiter na pinahiran ng cake ni Alex Gonzaga

Pauline del Rosario - January 27, 2023 - 12:44 PM
Cristy Fermin hindi kumbinsido na ‘family friend’ ang waiter na pinahiran ng cake ni Alex Gonzaga

HINDI kumbinsido ang kolumnistang si Cristy Fermin na “family friend” ng pamilyang Gonzaga si Allan Crisostomo, ang waiter na na pinahiran ng cake ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Matatandaan noong nakaraan lamang ay naglabas ng pahayag ang kampo ni Alex na sinasabing malapit ang waiter sa pamilyang Gonzaga at sanay na raw sa mga biro ng aktres.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na!” ay diretsahang sinabi ni Cristy na planado ang mga hakbang na ginawa ni Alex para muling makuha ang simpatya ng madlang pipol matapos ang nangyaring isyu sa kanyang birthday.

“Halatang-halata na premeditated. Wala na po silang pamimilian, lalo na ang pamilyang Gonzaga kundi ang personalin ni Alex ‘yung si Allan para humingi siya ng paumanhin,” sey ni Cristy.

Patuloy  pa niya, “Wala pong makakabalanse nito dahil ‘yun po ang sinisigaw ng bayan, ‘humingi ka ng paumanhin sa waiter na binastos mo’ at ginawa nga niya, pero hindi nagustuhan ng mga kababayan natin ‘yung meron pang sulat na pinirmahan si Allan Crisostomo na nagsabing ‘okay na kami, pinuntahan po ako ni Alex sa trabaho’.”

May ipinakita pa ang kolumnista na ebidensya umano na nagpapatunay na hindi totoong magkaibigan ang pamilya ni Alex at ang waiter.

Lahad ni Cristy, “Kung totoo po na close, bakit ‘okay na kami’, tsaka bakit hindi po nabura ‘yung convo nitong si Allan at ng kanyang mga kaibigan kung saan sinabi niya ‘nabastos ako, nagulat ako, napahiya ako.’ May naiwan pa rin na ebidensya na hindi totoo.”

Bukod diyan ay ibinunyag din ng kolumnista na naging magkatrabaho sila ni Alex sa TV show na “Juicy!” at inisa-isa pa ang mga pangit na ugali nito na personal niyang nakita.

Ilan na riyan ang pagiging late sa kanilang taping at pagpapahirap sa kanyang makeup artist.

Kwento niya, “Magkakasama po kami sa ‘Juicy’ at ayaw ko na pong magpaligoy-ligoy pa…pinakamatindi po talaga ay ‘yung nakikita ko po siya na late nang dumarating, hindi kami makapag-roll dahil wala nga siya, cause of delay.”

Patuloy pa niya, “Ilang beses ko po siya nakita na nagpapa-makeup na nakahiga…nakaluhod ang kanyang makeup artist na si Noel.

“Kung minsan naman, meron siyang silya na director’s chair. Halos ibuyangyang na niya ang kanyang ulo at hirap din siyempre ang makeup artist kapag hindi nakaupo ng diretso ang kanyang ginagawa.”

Kahit daw si Cristy ay nawalan ng pasensya sa actress-vlogger at siya na raw mismo ang gumawa ng paraan para mabawasan ang abala na ginagawa ni Alex sa kanilang lahat.

Chika ng kolumnista, “kinausap ko po ang aming EP na si Omar. Sabi ko, Omar hindi na tama itong ginagawa ni Alex, lahat na tayo ay naapektuhan, hindi lang tayo, hindi lang mga co-host, pati ang buong produksyon.”

“Humingi ako ng permission sa kanya na magsalita ako. Ang sabi ko talaga, andoon si Alex nakahiga na akala mo bangkay sa morgue na mine-makeupan ng kanyang makeup artist, sabi ko ‘ano ‘to? Morgue ba ito? Nakahiga ka diyan. ‘Di ka naaawa sa makeup artist mo na nakaluhod at inaabot ka, bino-blower ka at hirap na hirap, hindi na pwede ‘to’,” aniya.

Dagdag pa niya, “Nakiusap ako kay Omar na tanggalin ang mga silya, tanggalin ang ano mang magagamit ni Alex Gonzaga na higaan kapag nagpapa-makeup siya.

“‘Nung hindi pa sila kumikilos, ako mismo, kami ni Tina ang nagtanggal. Nilagay namin doon sa backstage…wala siyang respeto sa mga hindi niya ka-uri sa palagay niya. Manipulative siya e. Namimili siya ng kanyang irerespeto. Pero kapag hindi niya co-equal ang tao, napakababa ng kanyang pagtingin.”

Related chika:

Dani Barretto pinagsisihan ang pag-post ng viral cake video ni Alex Gonzaga: Wala akong intensyong makasakit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Lawrence walang pagsisisi sa pagtatanggol kay Alex Gonzaga, first time makaranas ng matinding pambabastos sa socmed

Alex Gonzaga special guest ni Toni sa kanyang 20th anniversary concert, umaming umiiwas muna sa mga cake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending