Alex Gonzaga special guest ni Toni sa kanyang 20th anniversary concert, umaming umiiwas muna sa mga cake Bandera

Alex Gonzaga special guest ni Toni sa kanyang 20th anniversary concert, umaming umiiwas muna sa mga cake

Therese Arceo |January 21,2023
share this

Alex Gonzaga special guest ni Toni sa kanyang 20th anniversary concert, umaming umiiwas muna sa mga cake

Therese Arceo - January 21, 2023 - 06:08 PM

Alex Gonzaga special guest ni Toni sa kanyang 20th anniversary concert, umaming umiiwas muna sa mga cake
NAGBIGAY ng kanyang pagsuporta ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na nag-concert kahapon, January 20 sa Smart Araneta Coliseum.

Isa nga siya sa mga nagsilbing special guest ng kanyang ate na nagse-celebrate ng ika-20th anniversary sa industriya ng show business.

May isang netizen nga na nag-upload ng video na kuha sa concert kung saan makikita nagpe-perform si Alex kasama ang kapatid.

Sa naturang video rin ay mapapanood na nag-uusap ang dalawa patungkol sa pagkaka-trending ng bunsong Gonzaga matapos siyang magpahid ng cake sa isa sa mga waiters sa kanyang birthday salubong na ginanap sa Makati.

“Kaya pala trending ka for three days,” biro ni Toni kay Alex.

Sundot pa nito, “Nakita mo, birthday ko. Wala, nilayo namin lahat ng cake sa iyo.”

“Ayoko. Yan ang pinaka iniiwasan ko ngayon, mga cake. Magbigay ka na sa akin ng panis na pagkain, okay lang… Talagang lumalayo na ako dyan,” sey ni Alex.

Tinanong naman ni Toni ang kapatid kung ano na lang ang ihahanda kapag birthday niya at sinabi nitong ice cream na lamang at bilo-bilo at wala nang cake.

“Nagbago na ako, Tin. I’m a changed person,” hirit pa ni Alex.

Maririnig naman ang hiyawan at tawanan ng mga tao sa audience dahil sa biruan ng magkapatid patungkol sa kontrobersyang kinaharap ng kanilang bunso.

Matatandaang ilang araw na ring laman ng balita si Alex matapos mag-trending ang video kung saan makikitang pinahiran niya ng cake sa mukha ang isa sa mga waiters na nagse-serve sa kanyang birthday celebration.

Samantala, personal naman siyang humingi ng sorry kay Allan Crisostomo, ang waiter na nag-viral at sinabing nagkaayos at nagkapatawaran na silang dalawa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Related Chika:
Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na ukol sa viral video, sinabing ‘family friend’ ang naturang waiter

Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng mga nakatrabaho sa likod ng kamera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending