Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na ukol sa viral video, sinabing 'family friend' ang naturang waiter | Bandera

Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na ukol sa viral video, sinabing ‘family friend’ ang naturang waiter

Therese Arceo |January 18,2023
facebook
share this

Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na ukol sa viral video, sinabing ‘family friend’ ang naturang waiter

Therese Arceo - January 18, 2023 - 04:07 PM

Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na ukol sa viral video, sinabing 'family friend' ang naturang waiter

NILINAW ng kampo ni Alex Gonzaga ang ilang bagay patungkol sa kanyang viral video kung saan pinahiran niya ng icing ang waiter na may hawak ng kanyang cake noong nag-celebrate siya ng kanyang ika-35th birthday sa Rockwell, Makati noong January 15.

Sa pamamagitan ng entertainment columnist at kanilang publicist na si Peter Ledesma ay naglabas naman ito ng pahayag ng panig ng bunsong Gonzaga na inuulan ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa nakuhaang pangyayari sa kanyang birthday.

Ang naturang statement ng kampo ni Alex ay ipinadala sa TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori.

“This Allan, one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano Family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano Family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverage,” saad ni Peter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Aniya, malapit daw ang waiter na pinangalanan bilang si Allan sa pamilya at sanay na raw ito sa mga biro ng bunsong Gonzaga.

“At itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na hindi naman daw magagawa ng TV host-vlogger ang magbiro at magpunas ng cake sa waiter kung hindi niya ito kilala.

“This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers,” hirit pa ni Peter.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring binabatikos ang bunsong Gonzaga sa kanyang ginawa sa naturang video at marami na ring mga personalidad at mga taong dati nitong nakatrabaho ang nagsasalita ng kanilang personal na experiences na nagpapatunay ng hindi magandang pag-uugali at pagtrato nito sa ibang tao.

Bukas naman ang BANDERA hinggil sa pahayag ni Alex ukol sa mga kinakaharap nitong kontrobersiya.

Related Chika:
Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arnold Clavio na-hurt sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko’

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

Kris Lawrence ipinagtanggol ang ‘pambabastos’ ni Alex sa waiter: I thought it was a normal thing?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending