Arnold Clavio na-hurt sa pambabastos ni Alex sa waiter: 'Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko' | Bandera

Arnold Clavio na-hurt sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko’

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Arnold Clavio na-hurt sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 01:44 PM

Arnold Clavio na-hurt sa pambabastos ni Alex sa waiter: 'Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko'

Alex Gonzaga at Arnold Clavio

MAS lalo pang nadidiin ngayon si Alex Gonzaga dahil hindi lang mga ordinaryong tao ang nanghuhusga sa ginawa niyang pambabastos sa isang waiter sa kanyang birthday salubong.

Pati ang mga kapwa niya celebrities ay naglalabas na rin ng kanilang saloobin hinggil sa issue na kinokondena rin ang pagpahid ng TV host-actress ng cake sa waiter na nag-serve ng food sa party.

Ang nagkakaisang punto nila, isang marangal na trabaho ang pagiging waiter kahit pa nga maliit ang  suweldo ng mga ito.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso broadcast journalist at TV host na si Arnold Clavio ang kanyang opinyon sa ginawa ni Alex sa waiter.

Ayon sa news anchor, nag-work din siya noon bilang waiter kaya knows  niya ang feeling ng binabastos at ginagawang katatawanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)


“Mga ‘iGan, hindi ako natawa at hindi rin ako natuwa sa inasal ng aktres na si Alex Gonzaga sa isang waiter noong birthday party niya.

“Aaminin ko, nasaktan ako. Bilang dating waiter sa isang fastfood restaurant noong nasa kolehiyo, di ko maatim na hindi mag-react sa maling trato ni Gonzaga sa aking kabaro,” pahayag ni Arnold.

Patuloy pa niya, “Yes mga ‘iGan, halos isang taong mahigit ako na nagsilbing waiter, busboy at cook sa Kentucky Fried Chicken Roxas Boulevard branch noong 1985-1987, kaya ganon na lang ang respeto ko sa kanila hanggang ngayon.

“Malaki ang naitulong sa akin bilang working student para nakapagtapos ako sa University of Sto. Tomas. Nahubog din ako paano makikitungo sa kapwa anuman ang antas niya sa buhay.

“Kaya lagi ko na ipinagmamalaki ang aking karanasan bilang waiter sa mga kabataang mag-aaral. Walang hadlang para makamit mo ang iyong pangarap.

“At maging sa mga anak ko, lagi kong pinapaalala sa kanila kapag kumakain kami sa labas na igalang at tratuhing mabuti ang isang waiter. Kapalit naman niyan ay mabuting serbisyo,” dagdag pa niya.

“Kitang-kita sa nag-trending na video ni Gonzaga na tila napahiya, nasaktan at nainsulto si Mamang Waiter nang pahiran siya sa mukha ng aktres nang bitbit niyang birthday cake.

“Kilalang kikay bilang komedyante si Gonzaga kaya nagustuhan siya ng marami. Pero lagi niyang isipin na may limitasyon ang lahat at dapat maging maingat dahil ginagawa siyang huwaran ng kabataan.

“Ang biruang ganyan ay ginagawa ng magkakakilala o magkakaibigan pero hindi sa isang nilalang hindi mo naman kakilala.

“Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko kilala mo man ito o hindi,” paliwanag pa ni Igan.

“Kung mahihimasmasan na, may panahon pa si Gonzaga na hanapin at personal na humingi ng patawad kay Mamang Waiter. Pagkatapos ay humingi siya ng public apology sa maraming netizen na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa,” aniya pa.

Samantala, matapang ding nagbigay ng reaksyon ang singer-actor na si Ralph Salazar sa ginawa ni Alex sa waiter. Aniya, “Bastos! Walang respeto!”

Ayon sa ilang nabasa naming report, ang waiter ay nagngangalang Allan na staff daw  ni Chef Florabel Co-Yatco ng Florabel na siyang nag-cater sa birthday party ni Alex.

May lumabas na balita na nag-sorry na raw si Alex sa waiter na matagal na raw kakilala ng aktres at vlogger.

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mo Twister tinawag na ‘stupid’ at ‘narcissist’ si Alex Gonzaga: ‘Come on guys, she was drunk!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending