Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng mga nakatrabaho sa likod ng kamera | Bandera

Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng mga nakatrabaho sa likod ng kamera

Therese Arceo |January 17,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng mga nakatrabaho sa likod ng kamera

Therese Arceo - January 17, 2023 - 10:22 PM

Alex Gonzaga masama raw ang ugali sabi ng nakatrabaho sa likod ng kamera

SUNUD-SUNOD ang mga taong diumano’y nagpapatotoo sa tunay na gaspang ng ugali ni Alex Gonzaga.

Usap-usapan kasi ngayong ang TV host-vlogger matapos mag-viral ang video ni Dani Barretto na kuha mula sa naganap na birthday party ng “Tropang LOL” host.

Makikita sa naturang video na kinakantahan si Alex ng “happy birthday ng mga taong present sa kanyang advance birthday party celebration na ginanap sa Makati.

Pagkatapos nga niyang hipan ang kandila sa kanyang cake ay pinahiran niya ng chocolate cake sa noo ang waiter na may hawak hawak nito.

Agad namang umani ng batikos mula sa mga netizens ang naturang video ni Alex at sinabing hindi tama ang ginawa ng vlogger sa simpleng mamamayan na nagtatrabaho lang at tila napahiya sa maraming tao.

Matapos nga nito ay marami nang mga tao ang naglabas ng kanilang saloobin at nagpatotoo sa hindi magandang pag-uugali ng bunsong kapatid ni Toni Gonzaga.

Isa na si John Mark Yap na naka-trabaho ni Alex noon sa unang pelikula kung saan siya ang bida na “My Rebound Girl”.

Aniya, “As someone who has worked directly with this woman for her first film as a lead, I can personally say na masama talaga ugali ng babaeng ito! Always the cause of delay sa shooting. Almost everyone on set hated her. She was just nice to me kasi mataas posisyon ko sa pelikula.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Ikinuwento rin niya na ang leading man ni Alex sa pelikula na si Joseph Marco naman ang pinakamabait at pinaka-humble na nakatrabaho niya.

Bukod rito ay may iba pang nagpatunay na talagang may attitude nga ang bunsong Gonzaga.

“So I’ve worked with the Gonzaga sisters twice already as a Production Designer. Rumors about Alex Gonzaga is real. Bastos siya,” lahad ni Kenneth Carpio na nakatrabaho niya para sa isang brand.

Chika naman ng theater actor na si Reb Atadero, noon daw nagkasama sila sa isang trabaho ay aksidente niyang naiwan ang bag niya sa ibabaw ng kanyang cot dahil sa pagmamadali nito nang tawagin for briefing pero pagbalik ay tinanong kung kaninong bag ito at sinabing kanya ay bumuntong hininga ito na tila naasar.

Well, marami pang kwento ang naglabasan sa social media kaya naman for sure ay hindi lang ito gawa-gawa at para siraan lang si Alex.

Bukas naman ang BANDERA para sa kampo ng mga Gonzaga hinggil sa kontrobersiyang ito.

Related Chika:
Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex pinagmumura ng netizens matapos pagtripan ang waiter sa birthday salubong: ‘2023 na, asal imburnal pa rin!?’

Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu’n sa sinabi ni Dina!

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending