Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: 'Own up to your mistake' Bandera

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Therese Arceo |December 08,2022
share this

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Therese Arceo - December 08, 2022 - 10:27 PM

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: 'Own up to your mistake'
MARAMI sa mga netizens ang tila nag-iisip kung ang beteranang aktres na si Dina Bonnevie nga ba ang tinutukoy ni Alex Gonzaga sa kanyang podcast na “Ano Na Catherine”.

Nabanggit kasi ng g TV host-vlogger sa podcast na may isang “matandang artista” ang sinigaw-sigawan siya “from head to foot” habang nasa taping ng ginagawang TV series noon na naging sanhi ng kanyang trauma.

Bagamat wala siyang sinabing pangalan ay marami sa mga netizens ang kumbinsido na si Dina nga ang inilalarawan ni Alex.

Kuwento pa niya, matapos raw ng ilang taon ay tila siya ang ipinipinta nito sa publiko bilang “bad guy” na ibang-iba raw ang pagkakakuwento nito.

Kaya rin siguro naisip ng mga netizens na baka si Dina ang tinutukoy ni Alex dahil sa naging interview nito noong 2018 patungkol sa ma-attitude na artista na pinag-antay sila sa set at hindi rin maayos kung umasta sa mga tao.

Aniya, talagang ipinaramdam at binigyan niya ng “hell” ang artista dahil sa pagiging unprofessional nito.

Ani Dina, “Talagang sinabihan ko siya, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call is at 9 o’clock and you come down from your van at 12 o’clock na naka-pajama? Really?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself’.”

Ayon pa nga kay Dina, maski ang kanyang leading man ay parehas ng nararamdaman at nakiusap sa kanya na pagsabihan ang young actress.

“Lahat kami, kasi, mga senior stars kami noon, talagang pinaghihintay niya kami lagi. Aalis siya pag lunch time, babalik siya, alas-tres na. Sabi ko, ‘Hello?’ Tapos, kami, hintay kami nang hintay,” sey pa niya.

Sagot naman daw ng young actress ay isusumbong niya ito sa kanyang mommy bagay na hindi inatrasan ni Dina.

At dahil tila may pagkakatugma ang mga nangyari base sa magkaibang kwento ng dalawa ay kumbinsido ang mga netizens na tama ang kanilang hinala.

Pagsita pa ng netizens kay Alex ay tila wala raw itong paggalang kay Dina.

“Grabe ka alex. The fact na tinawag mo syang ‘matandang artista’ only proves how rude you are. Own up to your mistake kung late ka own up to it. Wag kana kumuha ng sympathy kasi tinalakan ka. Understand na nainconvenience mo sila. Ang brat mo,” comment ng isang netizen.

“Alam mo kasi Alex si Dina napakapropesyonal na artista, nakita mo sa edad na yan, kaya nya pa pantayan ang talent fee mo, baka nga mataas pa sayo eh, minsan kc isasalugar mo din yung way ng pananalita mo Ayan nakakuha ka ng katapat… Tas mag susumbong ka sa madlang people.. Lalo ka lang mababash..

“Ika nga ikaw papunta palang, si Dina pabalik na, ni hindi pa nga kau nagsasalubong sa pagbalik nya, akala mo kung sinu kana umasta!” mahabang litanya pa ng isa.

Hirit pa ng isa, “Feeling mo kc kung anu ginagawa mo s nanay mo magagawa mo din s ibang mga matatanda,wag mo gawing content kung anu ginagawa mo s parents mo,kc sila kilala mo na ugali,eh yung ibang tao.”

Wala namang pahayag ang kampo ni Dina at ni Alex hinggil sa isyung ito.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng dalawang kampo ukol rito.

Related Chika:
Sino ang babaeng may koneksyon sa nakaraan nina Dina Bonnevie at Alma Moreno?

Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen ‘di mapigil ang gigil kay baby Isaac

Dina Bonnevie muling nakipag-bonding sa mga apo kay Oyo Boy

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending