Sino ang babaeng may koneksyon sa nakaraan nina Dina Bonnevie at Alma Moreno? | Bandera

Sino ang babaeng may koneksyon sa nakaraan nina Dina Bonnevie at Alma Moreno?

Reggee Bonoan |September 29,2022
facebook
share this

Sino ang babaeng may koneksyon sa nakaraan nina Dina Bonnevie at Alma Moreno?

Reggee Bonoan - September 29, 2022 - 08:05 PM

Alma Moreno at Dina Bonnevie

ANG ganda ng tsikahan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kasama sina Dina Bonnevie at Alma Moreno sa “Cristy Ferminute” ng Radyo5 92.3 NewsFM.

Sina Alma at Dina ang bida sa bagong sitcom na “Kalye Queens” na mapapanood na TV5 simula sa Sabado, Oktubre 1, ka-back-to-back ng “Oh My Korona” ni Maja Salvador.

Unang nagkatrabaho ang dalawang aktres sa pelikulang “Tag-Ulan sa Tag-Araw” noong 1975, sinundan ng “Bihagin: Bilibid Boys” taong 1981, at “Throw Away Child” noong 1982.

Unang pagkakataong magsasama sina Dina at Alma sa sitcom at base sa trailer ay talagang aliw na aliw ang mga nakapanood.

Inamin ni Dina na unang beses siyang gumawa ng TV series na comedy, “Sabi nila madali lang magpatawa hindi po, mahirap magpatawa kasi kung nagpapatawa ka, hindi ka dapat magpatawa. Dapat ang nakakatawa ‘yung sitwasyon hindi ikaw.”

Sabi ni ‘Nay Cristy, “Dapat natural. Pero Dina nu’ng kayo pa ni Vic Sotto magkasama, di ba maron kayong mga sitcom noon?”

“Opo at lagi niya akong sinasabihang huwag kang magpatawa hayaan mong nakakatawa ‘yung sitwasyon,” say ni Dina.

Natanong ni ‘Nay Cristy kung nagkaroon ng isyu kina Dina at Alma noong araw. Unang sumagot si Alma, “Wala, never na nagkaroon kami ng isyu ni Dina kaya siguro hindi rin kami nahirapan doon sa taping namin as in masaya kami.  Magkaiba lang kami ng tent (standby area) pero pag nasa set na kami, sobrang tsikahan na kaming dalawa.”

Sundot ni Dina, “Never nangyari na meron kaming common denominator sa menchu o sa papalu (boyfriend).”

Nagkatawanan sina Alma at Dina, humalakhak naman sina ‘May Cristy at Romel sa kuwentong ito.

May hirit pa si Nanay Cristy, “Pero alam n’yo may blind item ako sa inyong dalawa, merong bahagi ng buhay ninyong dalawa na naugnay sa isang babae rin.”

Natawa si Alma dahil gets na niya pero si Dina ay nakakunot ang noo kasi wala siyang ideya kung sino ang girlash na ito, sabay sabing, “Teka naintriga ako, sino ‘yung girl na common denominator namin?”

“Naku, kababanggit ko lang ng asawa mo Dina na nakahiwalay mon a, of course (Vic Sotto). Di ba bahagi ng buhay ninyong dalawa ‘yung girl na ‘yun?” sambit ni ‘Nay Cristy.

Nag-iisip pa rin si Dina sabay tanong, “Pauleen (Luna)?”

“Hindi si Pauleen, si Pauleen elementary palang siguro noon,” sagot ng batikang manunulat at online host.

Grabe ang tawa ni Dina na talagang natawa rin kami sa reaksyon niya.  Sabay banggit ng pangalan ni Coney Reyes (nanay ni Pasig Mayor Vico Sotto).

“Si Connie, college na noon, Dina,” katwiran ni ‘Nay Cristy.

Tawanan ulit sina Alma, Romel at Nanay Cristy.

“Sino ‘yung girl?” hindi mapakaling tanong ulit ni Dina.

Natanong ni ‘Nay Cristy kung nagkita na sina Dina at Coney o si Pauleen. At ikinuwento ni Dina na nagkita na sila ni Coney na pareho silang may pictorial sa Antipolo City at nag hi and hello naman at nagbigayan sila ng Christmas gift sa isa’t isa.

“Wala na ‘yun sa amin (ni Connie), past na ‘yun. Si Pauleen nagkita kami sa binyag ng bunsong apo ko, si Isaac (anak nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa) pagdating nila (sa venue) dumiretso sa akin si Pauleen at sabi niya, ‘hi, remember me, nag-meet na tayo before.’ Sabi ko naman, ‘yes Pauleen.’ Tapos ipinakilala niya ang daughter niya si Tali.

“Hindi lang akong magsabi na come and join us (sa iisang lamesa) at hindi naman ako maiilang kaso lang baka mailang ang asawa ko (Rep. Victor Savellano), so doon sila umupo sa kabilang table. Okay din naman, kahit naman si Vic okay lang na kamayan niya ang asawa ko,” kuwento ni Dina.

Si Alma naman ang tinanong ni ‘Nay Cristy tungkol sa magandang relasyo nila ng dating asawang si Joey Marquez bilang co-parenting sa mga anak nila.

“Oo ‘yung mga bata. Wala kaming naging problema ni Joey kasi pagdating talaga sa mga bata hindi talaga nagpapabaya…” naputol na sabi ni Alma kasi sumingit si Dina.

“Ay alam ko na ‘yung girl na common denominator namin! Ha-hahaha!” malakas na tawang sabi ni Dina.

Dagdag pa, “Alam ko na kasi nu’ng binanggit niyang Joey Marquez, ay okay, I remembered.”

Tawa naman nang tawa si Alma sa reaksyon ni Dina pati sina Nanay Cristy at Romel Chika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hayan naalala na ni Dina, kayo BANDERA readers naalala n’yo na ba?

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen ‘di mapigil ang gigil kay baby Isaac

Dina Bonnevie muling nakipag-bonding sa mga apo kay Oyo Boy

Sharon hindi sinanay si Frankie sa mga branded na gamit; Dina, Alma magsasama sa comedy series

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending