Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna? | Bandera

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Therese Arceo |September 29,2022
facebook
share this

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Therese Arceo - September 29, 2022 - 02:48 PM

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?
AMINADO ang aktres at negosyanteng si Dina Bonnevie na nakakaramdam siya ng awkwardness kay Pauleen Luna.

Sa isang panayam ng aktres kay Vinia Vivar matapos ang naganap na presscon ng “Kalye Kweens” ay natanong siya patungkol sa kanyang relasyon kina Coney Reyes at Pauleen.

Si Pauleen ang asawa ngayon ni Bossing Vic habang si Coney naman ang dating nakarelasyon ng komedyante matapos ang paghihiwalay nila ni Dina.

Kwento niya, maayos naman ang kanyang relasyon sa ina ni Pasig Mayor Vico Sotto dahil talagang magkaibigan na sila noon pa man ngunit ngayon at hindi pa sila muling nakakapag-usap.

“Si Coney kasi magkaibigan talaga kami. Now, when I see her, hi hello [lang]. Hindi pa kami nagkaroon ng chance na to sit down and talk. Si Pauleen hindi rin,” lahad ni Dina.

Aniya, nagkita raw sila noon sa binyag ng bunso nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa na si Isaac.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)

Nung birthday and binyag ni Isaac, yun lang, parang, ‘Hi, I’m Pauleen.’ Although kilala ko na siya, nakilala ko siya sa studio, nung nag-guest ako sa show ni Ryzza Mae, pero hindi pa sila kasal nun,” pagbabahagi pa ni Dina.

Ipinakilala rin daw ni Pauleen sa kanya noon ang anak nila ni Vic na di Tali.

Inamin rin ni Dina na nais raw ng “Eat Bulaga” host na sana raw ay makapag-usap sila at maging okay.

“Pero hindi pa kami… we never had a chance to sit down and chat. Sabi nga ni Danica, ‘Gusto sana ni Pauleen na maging okay kayo, you know to talk.’ Sabi ko, ‘Parang ang awkward kasi. Ano sanang topic namin? Si Vic?'” sey pa niya.

Si Dina ang dating asawa ni Vic Sotto. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo Boy Sotto.

Matatandaang nagpakasal sila noong Disyembre 1982 at nagdesisyong maghiwalay noong 1986.

Tuluyan nang na-annul ang kasal nina Dina at Vic noong 1992 at ngayon nga’y masaya na sila sa piling ng kani-kanilang partner.

Related Chika:
Dina Bonnevie muling nakipag-bonding sa mga apo kay Oyo Boy

Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen ‘di mapigil ang gigil kay baby Isaac

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dina Bonnevie nagluluksa sa pagpanaw ni Cherie Gil: Till we meet again

Jasmine ‘nakatikim’ kina Jaclyn at Dina: Dapat kasi lagi kang handang matuto…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending