Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen 'di mapigil ang gigil kay baby Isaac Bandera

Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen ‘di mapigil ang gigil kay baby Isaac

Therese Arceo |September 29,2021
share this

Dina nakita na ang bagong apo; Pauleen ‘di mapigil ang gigil kay baby Isaac

Therese Arceo September 29, 2021 - 08:21 PM

IBINAHAGI ni Kristine Hermosa ang pictures kasama ang biyenan na si Dina Bonnevie at hipag na si Danica Pingris nang dumalaw ito sa kanila.

“Yaaay…. finally got to see our Mama Di! We missed you so much,” saad ni Kristine sa kaniyang post.

Ito na rin ang unang pagkakataon na nakita ng beteranang aktres ang newest member ng kanilang pamilya matapos itong ipinanganak noong Agosto.

Marami naman ang nakapanis na tila hindi kumukupas ang ganda ng tatlo at bagkus mas nagiging blooming pa ang mga ito habang tumatagal.

“Eh un lola mukhang mommy lang nun bany. Un mommy at tita nun bany mukhang kapatid lang nya. Gandang lahi,” comment ng isang netizen.

“Ang gaganda nio po,” sey pa ng isa.

“Napakaganda mo pa din po ms tine…. kayong 3 po… pretty ladies. God bles! Ay sa cutie na baby nio,” hirit pa ng isa.

Iba rin naman talaga ang beauty ng tatlo, parang mga bampira na hindi kumukupas lalong lalo na si Kristine.

Para ngang hindi ito nanganak at mas bumabata pa ang itsura kahit wala itong make up sa mukha.

Mapapa-sana all ka na lang rin talaga sa tuwing makikita mo ang ina-upload nitong litrato sa kaniyang Instagram account.

Super cute rin ng bunso nito na si baby Isaac kaya marami rin ang netizens ang aliw na aliw kay baby sa tuwing ipinopost ng mag-asawa ang pictures nito.

Isa na rito ang asawa ni Bossing Vic na si Pauleen Luna.

Sa latest post ni Oyo Boy ng litrato ni Baby Isaac na may caption na, “good night”, hindi na napigilan ng aktres na mag-comment.

“ang sarap!!!! Ang bango bango!” sey ni Pauleen.

Bukod kay Pauleen ay pinuri rin ng netizens ang kagwapuhan ng little boy nina Oyo at Kristine.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending