Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu'n sa sinabi ni Dina! | Bandera

Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu’n sa sinabi ni Dina!

Therese Arceo |December 21,2022
facebook
share this

Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu’n sa sinabi ni Dina!

Therese Arceo - December 21, 2022 - 02:29 PM

Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu'n sa sinabi ni Dina!
IBINAHAGI ng kolumnistang si Cristy Fermin ang kanyang naging karanasan kung saan na-witness rin daw niya ang pagiging late ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga.

Ito ay nabanggit ng kolumnista dahil napag-usapan nila sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang tila hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Alex at ng premyadong aktres na si Dina Bonnevie.

Pagbabahagi ni Cristy, sana raw ay matuto na ang bunsong kapatid ni Toni na gumalang sa kanyang mga co-stars lalo na at mga kilalang at mas nakatatanda sa kanya ang mga nakakasama sa proyekto.

Matatandaang noong 2018 ay may pa-blind item si Dina sa isang panayam sa kanya ng media patungkol sa hindi kasikatang artista na kanyang pinagsabihan dahil sa pagiging unprofessional nito at pagiging late sa kanilang taping.

Ito ay muling naungkat nang maglabas si Alex ng kuwento sa kanyang podcast patungkol sa artistang nagbigay raw ng trauma sa kanya matapos itong sigaw-sigawan mula ulo hanggang paa.

Bagamat parehas silang hindi nagbanggit ng pangalan ay marami sa mga netizens ang nagsasabi na may pagkakatugma ang kanilang kwento kaya marahil ay si Dina ang tinutukoy ni Alex at si Alex naman ang tinutukoy ni Dina.

Chika pa ni Cristy, ayaw sana nila itong pag-usapan ngunit tila hindi mamatay-matay ang isyu patungkol rito.

Sey niya, kung talagang si Alex ang tinutukoy ay dapat siya talaga ang nauuna sa set bilang pagpapakita ng paggalang sa mga kasamahan.

Dagdag pa ni Cristy, kung may raket o ibang proyekto ay dapat raw tinimbang muna nita kung ano ang dapat bitawan o diskartehan upang maging maayos ang flow at hindi maging cause of delay sa iba pang proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Ikinuwento rin ni Cristy ang kanyang personal na karanasan sa pagiging late ni Alex sa kanilang set.

Dati kasi ay nagkasama na ang dalawa sa TV 5 show na “Juicy” kung saan may mga pagkakataon na nade-delay ang kanilang taping dahil sa TV host.

“Ang kanyang katwiran, alas kwatro y media o alas singko na raw ng madaling araw siya pinakawalan doon sa set ng ginagawa niyang [proyekto] kasabay ng Juicy,” lahad ni Cristy.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang katwiran naman naming lahat, kung hindi mo naman pala kaya na gampanan ang magkabilaang programa, bitiwan mo para hindi ka nale-late dito (Juicy) na ang dami-daming naaapektuhan sa pagiging late mo.”

Sabi pa ni Cristy, dumarating pa nga raw ito na naka-tsinelas lang at hindi nakagayak nang maayos.

Hindi rin daw nagustuhan n tatlo ang naging pagtawag ng “artistang matanda” ni Alex sa kaniyang blind item, mapa-Dina Bonnevie man ito o ibang artista.

“Alam naman po natin na ang edad at saka ‘yung weight o timbang, dalawq po yan sa mga dapat nating iniiwasan banggitin kapag babae ang pinag-uusapan,” giit pa ni Cristy.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag o reaksyon ang kampo ni Alex tungkol sa isyung ito.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng TV host-vlogger ukol rito.

Related Chika:
Joey sa isyu nina Alex at Dina: Wala yan! Ako, matindi, pag may nale-late nilalayasan ko yung show at pinapasara ko

Cristy Fermin may patutsada kay Alex Gonzaga: Wala pong garter ang dila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

Negosyo nina Toni, Alex apektado dahil sa politika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending