Alex pinagmumura ng netizens matapos pagtripan ang waiter sa birthday salubong: '2023 na, asal imburnal pa rin!?' | Bandera

Alex pinagmumura ng netizens matapos pagtripan ang waiter sa birthday salubong: ‘2023 na, asal imburnal pa rin!?’

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Alex pinagmumura ng netizens matapos pagtripan ang waiter sa birthday salubong: ‘2023 na, asal imburnal pa rin!?’

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 02:35 PM
Alex pinagmumura ng netizens matapos pagtripan ang waiter sa birthday salubong: '2023 na, asal imburnal pa rin!?'

GRAVE! As in super tindi pa rin ng natatanggap na mga maaanghang na salita ni Alex Gonzaga dahil sa ginawa niya sa isang lalaking food server.

Simula pa kagabi ay bugbog-sarado na ang TV host-actress sa mga nakapanood ng viral video kung saan makikitang pinahiran niya ng chocolate cake sa mukha ang waiter sa kanyang harapan.

Halatang nagulat at hindi nagustuhan ng server ang ginawa sa kanya ni Alex kaya naman to the rescue ang madlang pipol kasabay ng paninita sa vlogger.

Talagang pinagmumura at tinalakan ng netizens ang sisteraka ni Toni Gonzaga at nadamay na rin pati ang asawa nitong konsehal na si Mikee Morada na naroon din viral birthday salubong video.

Sa mismong Instagram at Twitter ni Alex ay nag-iwan ng matatalim na salita ang kanyang followers at halos lahat ay nagsabing mas masahol pa raw siya sa mga squatter.

Buti pa nga raw ang mga nasa squatters area ay marunong makipagkapwa-tao at alam ang mga itinuturo sa GMRC, samantalang si Alex ay walang respeto sa ibang tao.

Narito ang ilang komento ng netizens sa ginawa ng aktres sa food server na may hawak ng kanyang cake.

“I worked as a waitress for 5 months. Held cakes and sang birthday songs to strangers too pero never did I encounter someone as rude as Alex Gonzaga. Fate did not allow cause I will not let such thing slide. Hindi kami bayad to be disrespected in any way kahit sino pa ‘yan.”

“For Alex Gonzaga to behave this way is a clear act of disrespect to our service industry. For her husband not to do anything about it makes him an enabler of bad behavior. Such a bad example of people who publicly preach the gospel but can’t live it out.”

“I guess masama talaga ang ugali nya. That wasn’t funny. Ni hindi nya naman kilala yungs server (he looks like a server). Bastos.”

“MagpakaIMPAKTA talaga yang babaeng yan, di ba Dina Bonnevie, nyeta ka.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

“Ewan ko na lang talaga kapag napaikot pa nila yan. Baka sabihan pa na kilala nila yung server o kaya naman PA niya yan na nakasuot lang pang server.”

“Gagawin nyan mag aapology kineme sa vlog with tears tapos yung mga nagreact pa ang sasabihan nyang judgy. Isspin lang nya yung narrative to ‘casting the 1st stone’ para di sya accountable at para sya ang kawawa bec ‘tao lang, nagkakamali.'”

“Mamaya may vlog na yan na hahanapin nya si Kuya server tas may mga ibibigay na kineso. Pwe!”

“Dani Barretto thought she could wipe her hands clean by deleting the ig story for Alex Gonzaga. Girl, mabilis kumuha ng resibo mga tao, and THE AUDACITY to zoom the video at kuya. Birds of the same feather, flock together nga talaga.”

“What irks me about this alex gonzaga fiasco is the power imbalance between her and the server. being laughed at in front of so many rich ppl must’ve been hard for him, but alex probably thinks of it as a ‘joke’ lang. tbh this is blatant bullying in plain sight.”

“Alam ko namang reputation na ni alex gonzaga na pang-kanal ang ugali but please, napakasimple maging disente na tao. if it’s okay to joke around like that with your friends, okay. but for that employee holding your cake for you? super unprovoked. super bastos.”

Related Chika:
Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Joey sa isyu nina Alex at Dina: Wala yan! Ako, matindi, pag may nale-late nilalayasan ko yung show at pinapasara ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin na-witness rin noon ng pagiging late ni Alex Gonzaga: Parang ganu’n sa sinabi ni Dina!

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending