Cristy Fermin napailing sa mga isyu tungkol kay Alex Gonzaga: Dapat may espasyo lang siyang kanya | Bandera

Cristy Fermin napailing sa mga isyu tungkol kay Alex Gonzaga: Dapat may espasyo lang siyang kanya

Reggee Bonoan |January 20,2023
facebook
share this

Cristy Fermin napailing sa mga isyu tungkol kay Alex Gonzaga: Dapat may espasyo lang siyang kanya

Reggee Bonoan - January 20, 2023 - 07:26 PM

Cristy Fermin napailing sa mga isyu tungkol kay Alex Gonzaga: Dapat may espasyo lang siyang kanya
NAPADAAN kami nitong Huwebes sa Obra ni Nanay nap ag-aari ni Nanay Cristy Fermin sa Quezon City at natiyempuhan naming magsisimula palang sila ng taping para sa ikalawang episode ng YouTube channel nilang “Showbiz Now Na”.

 

Habang mine-make-apan ni Romel Chika si ‘nay Cristy ay nagkukuwento na napakaraming fans ni Wendell Alvares na tinaguriang ‘barikutot’ dahil nakabaluktot daw matulog.

 

Binabasa ni ‘nay Crist yang mga komento tungkol kay Wendell at tuwang-tuwa sila sa kanya lalo na kapag kumakanta siya dahil bukod sa iniiba nito ang lyrics ay wala rin sa tono bagay na gustung-gusto ng viewers ng SNN.

 

Sabi nga ni ‘nay Cristy, “’yung mga nanonood sa Showbiz Now Na karamihan sa kanila nagta-trabaho sa ibang bansa at pampa-relax nila ang panonood at para makabalita na rin ng nangyayari sa showbiz.  Siyempre pagkatapos ng maghapon nilang pagta-trabaho, habang nagpapahinga nanonood sila sa SNN, nakakatuwa, di ba?”

 

Oo nga nakakatawa naman talaga si Wendell at on the spot mga kinakanta kaya talagang namamali siya minsan at hindi rin niya alam kung buhay o wala na ang original singers na kumanta ng mga kinakanta niya.  Bentang-benta ang segment niya.

 

Maraming fans sina Romel Chika at siyempre si ‘nay Cristy Fermin, pero nakakabigla ang mga pumupuri kay Wendell dahil punumpuno kaya pala panay ang pasalamat niya sa lahat ng nagpapadala sa kanya ng regalo.

 

Sabi pa ni ‘nay Cristy, “alam mo bang hindi maramot si Wendell, marami siyang binigyan ng ayuda noong December?  Naglambing nga rin sa akin kung puwede raw akong magdagdag.”

 

Oo nga nabasa namin ang post dati ni Wendell na naghahanda talaga siya ng pamigay at pagkain sa mga bata na 20 years na niyang ginagawa taun-taon.

 

Anyway, hinintay namin si nanay Cristy sa labas pagkatapos ng taping nila dahil bawal sa loob lalo’t nag-iingat din sila sa mga dumadalaw sa kanila.

 

Naiiling pa rin siya sa isyu ni Alex Gonzaga dahil imbes na maging masaya siya noong 35th birthday niya ay nabahiran pa ng lungkot dahil sa isyung pagpahid ng cake sa noo ng waiter na si Allan Crisostomo. Nadamay pa tuloy ang buong pamilya nito na nanahimik lalo na ang magulang ng asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada.

 

Playful kasi si Alex na lahat ay biro lang para sa kanya, “kaso sumobra siya.  Dapat may espasyo lang siyang kanya,” say ni ‘nay Cristy.

 

Naabanggit din ni ‘nay Cristy sa Showbiz Now Na na marami rin siyang ibabahaging kuwento na naging karanasan niya kay Alex lalo’t nakasama niya ito sa programang “Juicy” noon sa TV5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Kaya ang daming nagte-text sa kanya na aabangan nila ang mga pasabog ni ‘nay Cristy sa mga susunod episodes ng SNN.

 

Ipinakita ni ‘nay Crist yang mga cellphone na gamit-gamit niya, grabe punumpuno ng mensahe na pati mga mensahe namin noong December para batiin siya ay hindi pumasok kaya pala hindi kami sinagot.

 

“Wala anak akong natanggap, alam mo naman ako hindi puwedeng hindi ako sasagot. Nagkaka-problema na nga itong cellphone ko.  Hindi ko naman alam gamitin ‘yung bago, si Tina (Roa-assistant) ang gumagamit no’n,” say sa amin.

 

Sa kasalukuyan ay kulang 300,000 na ang subscribers ng SNN na wala pang isang taon.  Ang pinakamababa ng views ay 190,000 at lampas milyon naman ang pinakamtaas nilang views.

Related Chika:
Cristy Fermin dinepensahan si Lolit Solis: Sino namang nasa tamang pag-iisip ang magsasabi na naiinis siya kay Vice?

Cristy, Barbie nagkaayos na: Alam ko ang buhay ng batang ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Cristy Fermin tinawagan ni Diego, nakiusap na tanggalin ang naisulat tungkol kay Barbie: I don’t like her!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending