Aga sa request ni Vice na mag-host si Andres sa Showtime: Hindi ‘ko alam!
“GUSTO nila, eh. Siguro ‘yun ang nakita nilang buhay namin habang lumalaki sila.”
Ito ang sagot ni Aga Muhlach sa tanong kung bakit niya pinayagang pasukin ng kambal niyang anak na sina Andres at Atasha Muhlach ang showbiz.
Si Aga ang special guest nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” kahapon, Lunes, na napakinggan at napanood sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at One PH YouTube channel.
Pero bago raw humarap ng camera sina Andres at Atasha ay may paliwanag na sa kanila ang tatay nila.
“Naipaliwanag ko naman sa kanila na (while) growing up na at some point you decide to enter the industry or the entertainment world na huwag ninyong tingnan ‘yung ‘glitz and glamour’ because behind that is all fake and hardwork and dedication.
“Kasi baka nakikita lang nila ‘yung results na magaganda pero hindi nila nakikita ‘yung failures, ang dami ko pong dinaanan niyan,” natawang kuwento ni Aga.
Naibahagi naman ni ‘Nay Cristy sa ama ng kambal na puring-puri raw ng dating senador na si Tito Sotto sina Andres at Atasha.
Baka Bet Mo: Aga Muhlach, pamilya nakipagsanib-pwersa na sa TV5 at Viva Artists Agency
View this post on Instagram
“Puring-puri ni Kuya Tito at ni Ate Helen ang mga anak mo, si Atasha at ang sabi raw ay hinihintay niya ang tinapa rice na iluluto ni Ate Helen. Ang bait na bata napaka-low profile, very humble. Maganda raw ang palaki ninyo kina Atasha at Andres,” kuwento ng “CFM” host.
Samantala, natanong ang aktor kung papayagan niya ang lambing ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na maging regular host ang anak na si Andres sa kanila.
Kung sakali ay magkakatapat sina Andres at Atasha na sa “Eat Bulaga” ng TV5 napapanood.
Natatawa si Aga, “Hindi ko po alam talaga, unang-una natutuwa ako kay Vice nu’ng iniinterbyu niya ako, sabi ko sa kanya, ‘ikaw magsabi (kay Andres), imbitahin mo.’ Hindi ako ang nagde-desisyon talaga, sa totoo lang. Pinalaki ko sila na magdesisyon sila ng (para) sa sarili nila.
“Ngayon na nasa tamang edad sila, ayos na ang eskuwelahan nila (graduate na) kung ano ang gusto n’yong gawin basta kayo ang may desisyon n’yan, mahirap na trabaho ‘yan gawin n’yo ng tama and then good luck sa inyo basta nandito lang kami (kasama si Charlene) sa likod ninyo. If the invitation is real nakakakilig ‘yun, di ba? Kinikilig ako!” kuwento ng aktor.
Sa madaling salita ay hindi si Aga ang dapat kausapin ni Meme Vice kundi mismo ang anak nitong si Andres kung type nitong mag-“It’s Showtime.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.