Kim Chiu haba ng hair, may pa-bouquet kahit single sa Valentine's

Kim Chiu haba ng hair, may pa-bouquet kahit single sa Valentine’s

Therese Arceo |February 16,2024
facebook
share this

Kim Chiu haba ng hair, may pa-bouquet kahit single sa Valentine’s

Therese Arceo - February 16, 2024 - 08:25 PM

Kim Chiu haba ng hair, may pa-bouquet kahit single sa Valentine's

TALAGA namang mapapa-“sana all” ka na lang sa Kapamilya actress na si Kim Chiu dahil kahit na single ay nakatanggap pa rin ito ng bouquet of flowers.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang larawan ng natanggap na pink roses mula sa isang tao na may initial na “P”.

Mensahe sa note na kalakip sa bouquet of roses na natanggap ni Kim, “Okay lang walang boyfriend, may flowers ka naman.”

Sagot naman ng dalaga, “Copy po! [salute emoji].

Marami naman sa mga netizens ang nag-iisip na baka galing ito sa kasalukuyang katambal ni Kim na si Paulo Avelino.

Pero wala namang kumpirmasyon kung ang aktor nga ba talaga ang nagbigay ng bulaklak.

Baka Bet Mo: Kim Chiu naiyak, nadala sa usaping pagmu-move on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa hiwalay na Instagram post naman ay ipinaalala ni Kim sa madlang pipol ang importansya ng self-love.

“The most important relationship in your life is with yourself. Nourish your mind, body and soul, and learn to love yourself this love month just like me!” saad ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang unang Valentine’s ni Kim bilang single buhat nang matapos ang kanilang mahigit isang dekadang relasyon kay Xian Lim.

Samantala, naging emosyonal naman ang dalaga sa Valentine episode ng “Expecially For You” nang mapag-usapan ang pagmu-move on.

“Lahat ng nangyayari sa buhay natin, ‘di naman yon by chance or by accident. Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is written. Ginawa na ‘yon bago pa man tayo pinanganak,” lahad ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending