Kim Chiu naiyak, nadala sa usaping pagmu-move on

Kim Chiu naiyak, nadala sa usaping pagmu-move on

Therese Arceo - February 15, 2024 - 01:09 PM

Kim Chiu naiyak, nadala sa usaping pagmu-move on

HINDI napigilan ng TV host-actress na si Kim Chiu ang mapaluha nang mapag-usapan ang pagmu-move on mula sa taong iyong minahal.

Nitong Miyerkules, February 14, naging emosyonal ang aktres habang pinapakinggan ang istorya ng searcher na namatayan ng asawa at ngayo’y nagbabakasakaling makahanap ng bagong kaibigan sa segment na “Expecially For You”.

Ayon kay Kim, naniniwala siyang kung anuman ang mga nangyayari sa buhay ng isang tao ay matagal nang naisulat ng Panginoon at ito ang nakatakdang mangyari.

Ang istorya kasi ng searcher ay nagkahiwalay sila noon ng asawa matapos niyang malamang nagkaroon ito ng babae habang kasal sila. Nagkahiwalay sila pero makalipas ang pitong taon ay muli itong bumalik sa kanilang mag-iina. Tinanggap niya ito ngunit nagkaroon ito ng malubhang sakit at pumanaw noong panahon ng pandemya.

Paniniwala ni Fe, kaya sila nagkahiwalay noon ng asawa ay para maging handa at matibay siya sa permanenteng paglisan ng asawa.

Hindi naman mapigilan ng mga “It’s Showtime” hosts ang ma-touch sa istorya ni Fe at isa na roon si Kim.

“Ang hirap. Pinipilit mong mag-move on pero kahit saan ka magpunta, kahit anong gawin mo, nakikita at nararamdaman mo siya,” saad ni Vice Ganda.

Baka Bet Mo: Kim Chiu ipinagdasal ng It’s Showtime hosts para sa ‘healing’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon naman ni Kim, mas madali ang pagmu-move on kung tanggap na ng isang tao na ang anumang pangyayari sa buhay ay nakatakdang mangyari.

“Lahat ng nangyayari sa buhay natin, di naman yon by chance or by accident. Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is written. Ginawa na yon bago pa man tayo pinanganak,” naiiyak na sabi ng dalaga.

Dagdag pa ni Kim, ang nangyari kay Fe ay paraan para mas maging matatag ito.

“So, parang lahat ng nangyayari sa bawat tao, like si Mommy Fe, hindi naman nangyari ang paghihiwalay nila by accident.

“Sadyang itinadhana yon and then binalik sa kanya, and then tinanggal uli sa kanya, and that made her strong,” sey ni Kim.

Sabi naman ni Vice, sana ay ma-realize ng mga tao kung bakit nangyayari ang isang pangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi namam mapigilan ng mga netizens ang isipin na tila may hugot si Kim nang mapag-usapan ang pagmu-move on.

Matatandaang nitong December 2023 lang nang aminin ng dalaga sa kanyang inilabas na official statement na hiwalay na sila ni Xian Lim matapos ang 12 years na pagsasama.

Dasal naman ng mga supporters ni Kim na sana ay maghilom na ang puso nito sa mga nararamdaman niyang sakit mula sa pinagdaraanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending