Aga kinuhang ninong ni Ion Perez sa susunod na kasal nila ni Vice

Aga kinuhang ninong ni Ion Perez sa susunod na kasal nila ni Vice Ganda

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Aga kinuhang ninong ni Ion Perez sa susunod na kasal nila ni Vice Ganda

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 06:00 AM

Aga kinuhang ninong ni Ion Perez sa susunod na kasal nila ni Vice Ganda

Aga Muhlach, Ion Perez at Vice Ganda

SI AGA Muhlach pala ang nagsilbing “kupido” sa pagmamahalan ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Inalala ng Phenomenal Box-Office Star yung araw nang ipakilala sa kanya ni Aga si Ion sa isang episode ng show niya noon sa ABS-CBN na “Gandang Gabi Vice” noong 2017.

Sa latest YouTube vlog ng TV host-comedian, mapapanood nga ang nakakaloka at nakakatawang panayam niya kay Aga kung saan binalikan nga ni Vice ang unang pagkukrus ng landas nila ng kanyang asawa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa ‘GGV’: ‘Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off’

Chika ni Vice kay Aga, “Natatandaan mo ba, after a few years, tinext kita. Sabi ko, ‘Natatandaan mo ba yung guesting mo sa GGV?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yun yung pinakamahalagang GGV moment ko kasi nga yung guy na yun na pinakilala mo sa akin, nakatuluyan ko,” pag-alala ni Vice sa guesting ni Aga dati niyang late-night talks how.

Sa nasabing episode daw in-introduce ni Aga si Ion kay Vice. Kasunod nito, ipinakita sa vlog ang tinutukoy na eksena ng komedyante kung saan isa si Ion sa mga male pageant contestants na bumisita sa studio ng “GGV.”

“Can you be my husband?” ang birong pagpo-propose ni Vice kay Ion kahit first time lang niya itong nakita. Hirit naman sa kanya ni Aga, “Lapitan mo kasi.”

Dito na tinawag ni Aga si Ion na pumunta sa stage para lapitan si Vice na bigla ngang nahiya nang magharap sila ng model-actor nang malapitan.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach, Charlene Gonzales ibinahagi ang sikreto sa matagal na relasyon: Find the goodness in that person you meet

“Kita ko naman, eh. Kita ko naman kasi. Nakita ko kasi na mayroon siyang tingin talaga.

“Mayroon siyang ganoon sayo na tapos tumingin ka sa kanya kahit ikaw na kahit kunyare magjojoke ka pero ikaw may attraction ka rin, eh,” ang sey ni Aga sa vlog ni Vice.

Aniya pa,“Nakita ko siya mag-ano sa’yo. Hindi siya naglalaro. Ninenerbyos siya pero parang sabi ko ‘Hoy parang he likes him.’ Nakita ko parang gusto niya, oh.

“Hindi ko naman akalain na aabot kayo sa ano, na nagtuloy-tuloy na,” chika pa ni Aga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Sey naman ni Vice, hindi talaga niya natandaan si Ion nu’ng una itong bumisita sa “GGV” kaya nga wala siyang idea kung sino ito nang maging bahagi na ito ng “It’s Showtime.”

“Kaya nga noong nag-Showtime siya, hindi ko siya naalala kaya nga siya nagsabi na nagkakilala na raw kami noon sa GGV kasi after noon, October 2017 yung GGV, after a few months or a year, hindi siya agad eh. Nag-Showtime siya tapos hindi ko siya naalala,” paliwanag ni Vice.

Patuloy pa niya, “Noong nagkita kami doon, doon na kami nagchikahan kasi hindi naman ako chumichika ng audience.

“Doon na kami nagsimula maglandian after a few weeks. Noong nakita ko, sabi ko, ‘ang gwapo nga nito pala.’ Tapos talaga sa It’s Showtime nagsimula tapos nagdire-diretso na, naging mag-boyfriend na kami,” pag-alala pa ng komedyante.

Sa isang bahagi ng vlog, ipinalabas din ang video greeting ni Ion para pasalamatan si Aga sabay sabing kukunin nilang ninong ang aktor sa susunod nilang kasal ni Vice.

“Hello, Kuya Aga! Kamusta po kayo? Si Ion po ito, yung sa GGV. Kung natatandaan niyo pa po, ako po si pageant boy yung tinawag po ni Carlo (Carlo Mendoza alyas Gigil Kid). Salamat po dahil sa inyo nagkakilala po kami ni Meme.

“Good luck po sa pelikula niyo, Kuya Aga! Kapag po kinasal po ulit kami ni Meme, ninong po kayo, ah. Salamat po, Kuya Aga,” sey pa ni Ion.

Sinabi ni Vice na ipinaalala raw sa kanya ni Ion na sabihin kay Aga na ikinasal na sila sa Las Vegas Chapel sa Nevada, USA noong October, 2021.

“Kahit noong nagpakasal kami, sinabi niya, ‘Sinabi mo kay Aga?’ Sabi ko, ‘Oo, nag-text ako sa kanya. Sinabi ko mag-asawa na tayo,’” sey pa ni Vice.

“Congrats, ah! I’m really happy for you guys. Seriously, parang wala talaga, when the stars align, it really happens. It’s really in God’s perfect time. Always,” pagbati naman sa kanila ni Aga.

Reaksyon naman ni Vice, “Kaya hindi ka namin makakalimutan. Hinding-hindi ka namin makakalimutan ni Ion. Kapag kinasal ulit kami, ninong ka talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe pa sa kanila ng award-winning actor, “I have so much respect for you guys, really for you and Ion. I see you guys play, poke fun at It’s Showtime I was like, sabi ko ‘sarap’. Ang galing, ang galing!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending