Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa 'GGV': 'Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off' | Bandera

Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa ‘GGV’: ‘Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off’

Ervin Santiago |October 23,2023
facebook
share this

Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa ‘GGV’: ‘Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off’

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 09:41 AM

Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa 'GGV': 'Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off'

Vice Ganda

MISMONG ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda pala ang tumanggi na gawin uli ang dati niyang show sa ABS-CBN na “Gandang Gabi, Vice.”

More than three years nang wala sa ere ang naturang late night talk show ni Vice pero marami pa ring fans ang nagre-request na sana’y mapanood nila uli ito.

Kung matatandaan, noong nagsimula ang COVID-19 pandemic noong March, 2020 ay hindi na rin napanood ang “GGV” sa Kapamilya network hanggang sa tuluyan na itong magpaalam sa ere.

Kahapon, October 22, naglabas na ng officially statement si Vice para sa lahat ng kanyang supporters na nagsasabing super miss na nila ang “GGV.”

Sa kanyang X account (dating Twitter), sinagot ng TV host-comedian ang tanong ng content creator na si Tristan Louis Sicat na, “What’s stopping ABS-CBN para ibalik ang GGV? Super entertaining ng GGV huhu.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Diretsahang ibinandera ng komedyante kung bakit hindi pa siya pumapayag na  gawing muli ang “Gandang Gabi Vice”.

“I was actually asked by the management when i signed my new contract if i wanted to do GGV again. I couldnt do 3 shows anymore,” sey ni Meme.

Kung hindi kami nagkakamali, dalawang show ang pinagkakaabalahan ngayon ng partner ni Ion Perez, ang noontime program na “It’s Showtime” at ang kanyang weekly musical game show na “Everybody, Sing!”

Dugtong pang paliwanag ni Vice Ganda, “Baka pagtapos ng Everybody Sing let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lng. Di ko na keri ung another 10 years.”

Baka Bet Mo: ‘Mommy hugot’ ni Sheena: Gandang lumalaban sa puyat, pagod at hirap sa pag-iisip anong uulamin namin next week…

Bukod pa rito, nabanggit din ng Kapamilya star na medyo nagsawa rin siya sa “GGV” dahil paulit-ulit na lang ang kanyang mga guest.

Ito ang naging reply niya sa X user na may handlename na @knjpblo na nagkomento tungkol dito.

Chika ni Vice, “Actually true to. Nagsawa na din ako sa paulit ulit na guests. Isa yun sa mga rason kaya i decided to sign off.

“Pero ngayon mukhang mas malalim na ang balon ng guests kasi sanib pwersa na ang mga networks (hopefully),” aniya pa na ang tinutukoy ay ang bonggang collaboration ng ABS-CBN, GMA at TV5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At kung may dream guest daw siya sakaling magbabalik nga ang “Gandang Gabi Vice”, yan ay walang iba kundi ang International singer na si Britney Spears.

Baka Bet Mo: Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

Nagkomento rin si Vice sa mga netizens na nagsabing isa pa sa mga nami-miss nila sa “GGV” ay ang pag-i-interview niya sa mga bet ng Pilipinas na lalaban sa  Miss Universe pageant.

Marami kasi ang naniniwala na kapag in-interview ni Vice ang kandidata ng bansa sa Miss Universe at binasbasan sa “GGV” ay nakakakuha ng pwesto sa coronation night.

Reaksyon naman ni Vice, “Hahahahah at may mga naniniwala talaga sa bertud ng GGV sa mga ilalaban sa pageant! Sabagay madami talaga kong nabasbasan na pumwesto. Kung di title e runner up.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman ang TV host sa lahat ng sumuporta sa “Gandang Gabi Vice”, “Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending