Vice Ganda wala pa raw ang paayuda sa 'Showtime' staff, sey ni Cristy Fermin | Bandera

Vice Ganda wala pa raw ang paayuda sa ‘Showtime’ staff, sey ni Cristy Fermin

Therese Arceo |October 18,2023
facebook
share this

Vice Ganda wala pa raw ang paayuda sa ‘Showtime’ staff, sey ni Cristy Fermin

Therese Arceo - October 18, 2023 - 11:04 PM
Vice Ganda wala pa raw ang paayuda sa 'Showtime' staff, sey ni Cristy Fermin

WALEY pa raw naiaabot na tulong pinansyal ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga staff at crew ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” ayon kay Cristy Fermin.

Sa latest episode ng kanyang vlog kasama sina Rommel Chika at Wendel Alvarez, nabanggit  nito na sa kabila ng pansamantalang pagkakasuspinde ng Kapamilya noontime program ay wala pa rin daw inaabot ang komedyante sa mga kasamahan.

“Nanggaling mismo doon sa loob, wala naman daw binibigay na ayuda si Vice,” pagbabahagi ng kolumnista.

Dagdag pa niya, “Sila (staff) din mismo ngayon ang nagkukuwestiyon kung bakit sabi magbibigay, waley naman pala.”

Matatandaang may chikang kumalat noon na sakaling matuloy ang 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB sa programang “It’s Showtime” ay magbibigay raw ng tulong si Vice Ganda para sa mga apektadong staff at crew.

Ito rin ay ay naiulat noong nila Nanay Cristy at lumabas sa iba’t ibang entertainment sites.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng ‘social media broadcasters’ dahil sa ‘pagsubo ng icing’

https://www.instagram.com/p/CyVKAEIv8gz/

Ngunit sa ngayon ay wala pa rin daw ibinibigay si Vice Ganda base sa nakarating kay Nanay Cristy.

Sa tingin ng kolumnista, marahil ay hindi na itinuloy ng “It’s Showtime” host ang ayuda dahil tuloy tuloy naman ang trabaho ng mga ito dahil sila rin ang staff and crew sa “It’s Your Lucky Day”.

“Katwiran niya (Vice) siguro, ‘yun lang namang mga host ang suspended pero ‘yung staff and crew sila din ‘yung magmamando [sa ‘It’s Your Lucky Day’]. Baka iyon ang kanyang iniisip,”

“Bakit pa nga naman siya magbibigay e sila nga naman ang nawalan ng trabaho pero ang staff and crew tuloy pa rin?” lahad ni Cristy.

Chika naman ni Wendel, kung siya raw si Vice ay itutuloy pa rin niya ang kanyang naunang ipinangako.

“Ako itutuloy ko talaga kasi naipangako ko na yan e. Ibig sabihin nabitiwan ko na ‘yung salita na ‘yan. So mahirap naman na magbibitaw ka ng salitang ‘Akong bahala’,” sey nito.

Samantala, wala pa namang pahayag si Vice Ganda ukol rito.

Related Chika:

Juan Ponce Enrile niresbakan ng fans ni Vice Ganda matapos makisawsaw sa isyu ng It’s Showtime: ‘Hindi siya kurakot at nagbabayad siya ng malaking buwis!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda ‘namalengke’ ng bagong sasakyan, presyo umabot ng P8.99 million

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending