Juan Ponce Enrile niresbakan ng fans ni Vice Ganda matapos makisawsaw sa isyu ng It's Showtime: 'Hindi siya kurakot at nagbabayad siya ng malaking buwis!' | Bandera

Juan Ponce Enrile niresbakan ng fans ni Vice Ganda matapos makisawsaw sa isyu ng It’s Showtime: ‘Hindi siya kurakot at nagbabayad siya ng malaking buwis!’

Ervin Santiago |September 12,2023
facebook
share this

Juan Ponce Enrile niresbakan ng fans ni Vice Ganda matapos makisawsaw sa isyu ng It’s Showtime: ‘Hindi siya kurakot at nagbabayad siya ng malaking buwis!’

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 07:30 AM

Juan Ponce Enrile niresbakan ng fans ni Vice Ganda matapos makisawsaw sa isyu ng It's Showtime: 'Hindi siya kurakot at nagbabayad ng malaking buwis!'

Vice Ganda at Juan Ponce Enrile

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng madlang pipol sa ginawang pambabasag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile laban kay Vice Ganda.

Talagang tinawag nitong super bastos ang TV host-comedian kaugnay pa rin ng nagawang violation nito at ng partner niyang si Ion Perez sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Nagkomento si Enrile matapos patawan ng 12-day suspension ang programa ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB dahil nga sa pagsubo nina Vice at Ion ng icing gamit ang kanilang daliri sa kanilang “Isip Bata” segment noong July 25, 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paglalarawan ng abogado ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. “salacious” ang ginawa ni Vice sa nasabing segment at ang malala pa ay may kasama sila ni Ion na mga bata na napanood on national TV.

Sabi ng dating senador ang problema raw sa Pilipinas, kung meron kang power, mapa-politika, social at economic  ay halos hindi mo na iniisip ang iyong kapwa.

Sarili lang daw kasi ni Vice ang kanyang iniisip at inaakala nga nitong maganda ang kanyang ginagawa pero sa totoo lang daw ay napakabastos ng komedyante.

Sabi pa ni Enrile, matagal na niyang napapanood si Vice sa TV at kahit kailan at hindi niya gusto ang style nito sa pagpapatawa.

Ipinagtanggol naman ng mga fans si Vice sa mga masasakit na salitang pinakawalan ni Enrile, akala ko raw ay napakalinis at walang bahid dungis ang dating senador kung makapagsalita.

Depensa pa nila sa TV host, hindi raw nagnakaw o pumatay ng tao si Vice para kastiguhin ni Enrile at sabihan ng kung anu-anong masasakit na salita. Sa katunayan, marami rin itong natutulungan at napapasayang mga tao.

Matatandaang nanindigan ang ABS-CBN na walang nilabas na batas ang nasabing noontime show kaya aapela sila sa MTRCB para mabago ang resolusyon.

Baka Bet Mo: Pokwang: ‘Manhid na ‘ko sa mga bashers na yan, ang dami kong work kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!’

Kung ibabasura naman ang kanilang motion for reconsideration, maaari pa silang umapela sa Office of the President.

Narito naman ang ilan sa mga comments ng netizensa sa official Facebook page ng BANDERA.

“Kinakagat nalang talaga nila ang issue kasi kilalang tao ang na issue  sumasabay nalang sila. Yung hinaing ng mga ordinaryong mamamayan na BAKIT MAY CONFIDENTIAL FUND ANG MGA BUWAYA di nila ma address at mapag usapan. ninonormalize na ba ang KORAPSYON?”

“ANG KABASTUSAN NG DATING PANGULO PUMAPALAKPAK PA SILA. PATI NGA RELIHIYON BINABASTOS WALA MAN LANG MASABI ANG MATANDANG TO. NGAYON LANG NAG BAITBAITAN.”

‘Lahat naman  ng tao bastos in different way nga lang.”

“MANIWALA Ako sayo kidnap me kung sila gadon ang pinuna mo.”

“Woooy tanda mona pakialamero kpa!”

“Loslos mong Tanda ka. galit? gustong manakit tinamaan Kaba about corruption sa goberno! na mga Banat ni vice?yang sinabihan mung bastos ang laking ambag sa BIR Tanda, at bukod pa dun ang daming natulongang tao, ikaw?”

“Apaka linis ni tanda Kay Vice, nababastusan kayo pero sa ibang tao hindi? Double standards is real.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Si Tandang Enrile pinatulan si Vice Ganda kasi  tropa ni Tito Sotto  si  Tanda
at anak ni Tito si Lala Sotto na chairperson ng MTRCB na kalaban  ni  Vice. hahaha. Kahit pa hindi na  magshowbisnis si Vice ok na.  Multi milyonaryo na siya pero tulad ng ama  mo mahal niya ang entablado ang  tatay Tito mo at sila Vic Joey tanda na rin at walang sinabi sa galing  ni Vice laos  na  ang mga gurang na TVJ.”

“Akala ko magnanakaw. At anu kaya tingin nya kaya kay rendon at gadon.”

“Hoy c vice ndi kurakot sa bansa naten at nagbabayad yan tama buwis may pakinabang sa bansa naten ikaw ano paepal ka para pag usapan kalang tanda muna malisyuso.”

“Enrile, next time kung pupunain mo ang ibang tao make sure na di ka kurakot na politiko. Loslos mo!”

“Kanya-kanyang diskarte para magka pera. MAMBASTOS o MAGNAKAW. Which is the lesser evil.”

“Totoo naman yung sinabi niya bastos naman talaga yung ginawa di man lang sila nag isip na may mga bata sa harap nila hindi po dapat ginagawa yung ganung klasing content sa harap ng mga bata may lugar naman para jan dapat ilugar natin ni hindi man lang sila nag sorry o nag public apology sa ginawa nila.”

Anak ni JPE na si Katrina Enrile sasabak na rin sa politika, tatakbong kongresista sa Cagayan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: ‘Akala mo maganda ang ginagawa mo…bastos ka, bastos kang tao!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending