Pokwang: 'Manhid na 'ko sa mga bashers na yan, ang dami kong work kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!' | Bandera

Pokwang: ‘Manhid na ‘ko sa mga bashers na yan, ang dami kong work kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!’

Ervin Santiago |February 02,2023
facebook
share this

Pokwang: ‘Manhid na ‘ko sa mga bashers na yan, ang dami kong work kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!’

Ervin Santiago - February 02, 2023 - 07:35 AM

Pokwang: 'Manhid na 'ko sa mga bashers na yan, ang dami kong work kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!'

Pokwang at Lee O’Brian

HININGAN ng payo ng isang netizen ang Kapuso comedienne na si Pokwang kung paano makakapag-move on nang mabilisan.

Hugot na hugot ang Instagram follower ni Pokey na tila may matinding pinagdaraanan tungkol sa kanyang personal na buhay.

Tanong ng nasabing netizen kay Pokwang, “Mamang paano po ba maka move on nang mabilis. Ang sakit sakit na po mang (crying emoji) parang ayoko nang lumaban (crying emoji).”

Sinagot naman siya ng komedyana at sinabing kung alam daw ng netizen ang kanyang mga karapatan, kering-keri niya itong ilaban nang bonggang-bongga.

Humugot din ang Kapuso TV host tungkol sa kanyang mga bashers. Marami raw siyang haters sa social media pero mas marami pa rin siyang natatanggap na blessings kaya mamatay na lang daw sa inggit ang mga namba-bash sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Kapag alam mo ang karapatan mo at karapatan ng anak mo kung may anak ka ilaban at lalakas ang loob mo harapin sila hahahahaha!

“Sorry pero manhid na ako sa mga bashers nayan ang dami kong work sobra kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!!!” hirit ni Pokey.

Samantala, may Instagram Story din ang komedyana kung saan natanong niya kung bakit marami ang nagagalit ngayong ibinabandera na niya sa publiko ang mga naging issue sa pagsasama nila ng dating partner na si Lee O’Brian.

Pinagbigyan na nga raw niya ang mga “Marites” pero dyina-judge pa rin siya. Bwelta ni Pokwang, “Mga hypocrite! bakit daw kailangan pa i socmed ang problema?

“Di ba yan ang gusto nyo mga MARITES??? na entertain naba kayo? Husga pa more malapit na kayong mapaso SOON!!!” mariin pa niyang banat.

Nauna rito, inamin nga ni Pokey na simula nang magsama sila ni Lee ay palamunin na niya ito at wala rin daw siyang nakuhang child support para sa anak nilang si Malia.

Rebelasyon pa niya, ipinagpalit siya ni Lee sa ibang babae na mas chaka. Inakusahan din niya ang American actor na “manggagamit” dahil at kung wala na raw pera ang isang babae ay “t*e ka sa kanya.”

“True akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw _____sa post nya stalker ka manggagamit yang taong yan hahhahahaha wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!” ang bwelta ni Pokwang sa mga netizen na nang-i-stalk kay Lee.

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Barbie inaming hiwalay na sila ni Diego: Baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey de Leon sa mga bashers: Ano meron sila? Inggit!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending