Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke! | Bandera

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Ervin Santiago |December 12,2022
facebook
share this

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 07:18 AM

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Darryl Yap

NAKAKALOKA ang bagong rebelasyon ng kontrobersyal direktor na si Darryl Yap tungkol sa mga taong inggit na inggit at galit na galit daw sa kanya.

Sa kanyang Facebook account, inilahad ni Direk Darryl ang tungkol sa video na ipinadala sa kanya kung saan minura-mura siya ng isang grupo na nagpa-party at nagkakasayahan.

“So, ayun na nga, may isang waiter ang nagsend sa akin ng video ng isang grupo o production na nagparty, habang nagsasaya ang group nila sumisigaw pa ng ‘T@N9 !N@ M0 DARRYL YAP’, as in sabayang pagbikas ang peg ng mga mahihirap na baklang amoy zonrox ang dighay,” simulang kuwento ng direktor ng “Maid In Malacañang.”

“Same people din na pag nagshoshoot daw eh minu-minuto binabanggit ang pangalan ko ng direktor na nakikiride na lang sa akin, eh mas mataas pa rin ang tingin nya sa sarili niya, samantalang mas may dignidad pa ang tig 100 pesos na antigen test kit ko sa kanya nung nagkacovid ako noong 2020.

“Bakit kaya siya naiinis sa akin, wala naman akong scandal? di ako naghuhubad sa twitter, di naman ako nangangako sa mga artista ng kung anu-ano—sumama lang sa casting nya, hindi naman ako maraming kahalayan sa mga workshop kuno at shooting— bakit kaya?” pagpapatuloy pa niya.

“Well, bakit hindi ko pangalanan?
Para ano? para maging masaya siya? at finally magkapangalan na nga. Bakit ko aawayin? Para magkaroon ng tunay na pagkilala maliban sa mga binili at isinipsip nya?

“Hayaan natin syang mamalimos ng atensyon, respeto at halaga, gaya ng panghihingi nya ng 1 milyon sa pamilya ng napili niyang pagkakitaan.

“Habang ako, ang mga kaibigan kong hindi tumanda at pumapanget sa showbiz ay hindi siya nababanggit, ni hindi nga namin sya naaalala kundi pa kami titingin sa inidoro bago magflush,” sey pa ni Direk Darryl.

Paalala pa niya sa kanyang mga social media followers, “Huwag natin tularan ang ganitong mga tao, nabubuhay na nga para manggamit, makisakay at manloko ng tao— nagpapanggap pang tagapagtaguyod ng katotohanan.

“Ipagdasal natin sila….na mabuhay pa sila nang mahaba, para araw-araw silang mamatay sa inggit habang nakatitig sa atin at pinaparusahan ang kanilang mga sariling pinabayaan nila dahil obsessed sila sa atin na kailan man ay hindi nila malalampasan.

“At bakit hindi nila tayo malalampasan? Paano mo malalampasan ang hindi mo mapantayan.

“Alam kong mababasa mo ito, dahil idol mo ko—hindi mo pa narerealize, ito ang mensahe ko sayo at sa mga kumakain ng itinitinda mong dura:

“MAS MALUSOG AKO.
“MAS MAYAMAN AKO.
“MAS MATALINO AKO.
“MAS MAGALING AKO at higit sa lahat MAS MAGANDANG TAO AKO KAHIT DI PA NAGPAPARETOKE.

“Hindi mo yan masasabi sakin kahit pa mareincarnate ka,” ang matapang pang mensahe ni Darryl Yap.

May idea na ba kayo dear BANDERA readers kung sinu-sino ang tinutukoy ni Darryl?

Marco Gumabao never nainggit sa kasikatan ni Daniel Padilla: Proud ako sa kanya dahil napakalayo na ng narating niya!

Nakaramdam nga ba ng inggit si Julia Montes sa pagsikat ni Kathryn Bernardo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kit walang keber na nagpakita ng ‘junjun’ sa ‘Sarap Mong Patayin’, mga beki inggit na inggit kay Lassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending