Kit walang keber na nagpakita ng 'junjun' sa 'Sarap Mong Patayin', mga beki inggit na inggit kay Lassy | Bandera

Kit walang keber na nagpakita ng ‘junjun’ sa ‘Sarap Mong Patayin’, mga beki inggit na inggit kay Lassy

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Kit walang keber na nagpakita ng ‘junjun’ sa ‘Sarap Mong Patayin’, mga beki inggit na inggit kay Lassy

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 09:19 AM

Kit Thompson, Lassy Marquez at Ariella Arida

NAKAKALOKA, as in! Finally, napanood na namin ang pinag-uusapang pelikula ngayon ng Viva Films, ang suspense-thriller na “Sarap Mong Patayin” na idinirek ni Darryl Yap.

Actually, expected na namin na madugo, nakakadiri at bayolente ang movie na pinagbibidahan nina Lassy Marquez, Ariella Arida at Kit Thompson pero mas grabe pa pala sa grabe ang kabuuan nito.

Hot topic ngayon sa social media ang pagpapakita ni Kit ng kanyang pagkalalaki sa pelikula at hindi lang yan, talagang inggit na inggit ngayon ang sangkabaklaan kay Lassy dahil sa ginawa niya sa “junjun” ng Kapamilya actor.

Sa nakaraang virtual mediacon ng “Sarap Mong Patayin”, natanong si Kit kung hindi ba siya nailang o nabastusan sa paghalik ng member ng Beks Battalion sa kanyang dibdib at nipples.

“Hindi naman. Ha-hahaha! No judgment naman. Masaya naman ako du’n sa mga ginagawa namin ni Lassy! Masaya naman ako nu’n. Naging comfortable naman kami sa isa’t isa. 

“Sinasabi namin sa isa’t isa before pa the take na yung mga nararamdaman namin and then yun nga we would make light of it, mag-jo-joke lang kami. 

“So naging comfortable na rin kami sa mga ganyan. So pagdating sa scene, wala ng ilang, ilang. Trabaho lang para maka-focus. Yun naman ang importante. Like once you are on the job, focus ka na,” sabi ng half-Filipino half-New Zealander actor.

Grabe rin ang pinaggagawa niya kina Lassy at Ariella sa movie, as in kung mahina-hina ang sikmura n’yo, baka hindi n’yo ito kayanin.

Sabi nga ni Kit, “This is the first time that I’m going to be torturing anyone in a movie and ibang klase and may rape scene pa. It’s not like a love scene kasi ang love scene it’s different. Sobrang magkaiba. 

“Here you’re a rapist orchestrating this thing. Wow, physically grabe bugbog because kung paano nangyari yung scene is like at the end of the scene we had bruises, may pasa-pasa kami sa mga tuhod tapos ayoko masyado ibigay lahat but there was one time na tino-torture ko sabay si Lassy and si Ariella na sobra akong nahirapan gawin kasi sobrang f***ed up nila.

“Alam mo yun, kasi hindi mo talaga iisipin na gawin ito kahit kailan di ba? So to do that, to get into that character, to make yourself do that ang hirap, ang hirap din emotionally and mentally to get there and to make it siyempre believable. Yun yung pinaka nahirapan ako,” chika ng binata.

Lassy feeling nanalo sa lotto nang halikan sa ‘nips’ si Kit: Pero nakakatakot, baka sapakin ako!

Sabi ni Kit nang matanong kung kaya ba niyang mag-full frontal nudity, “I don’t want to do anything like soft porn to that extent. Nudity is not the highlight for me so it really depends on the director and how it’s going to be done and what the project is for. 

“So depende talaga. Whatever the project requires. Ako hindi ko naman tinitingnan yung requirements na nudity. That’s not the highlight for me. Hindi naman yun yung dapat i-highlight ng movie eh. It’s the story, it’s the value of the film. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yun ang tinitingnan ko and if I like a certain project, you’d see me doing things that I’ve never done before. The trust sa director, if I trust the director then who knows? Then sky is the limit. Ha-hahaha!”

Kaya naman ang tanong ng mga nakapanood na sa movie, totoo nga kaya ang ipinakita ni Kit o isa lamang itong prosthetic tulad ng ginawang pagpapasilip ni Paulo Avelino ng kanyang “junjun” sa pelikulang “Fan Girl.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending