Marco Gumabao never nainggit sa kasikatan ni Daniel Padilla: Proud ako sa kanya dahil napakalayo na ng narating niya!
WALANG kahit katiting na inggit na nararamdaman ang hunk actor na si Marco Gumabao sa kaibigan at ka-batch niya sa showbiz na si Daniel Padilla.
Sikat na sikat at napakalaki na kasi ng pangalan ngayon ng boyfriend ni Kathryn Bernardo sa mundo ng showbiz kung ikukumpara sa mga artistang kasabayan niya.
Pero ayon kay Marco, hindi raw inggit o galit ang napi-feel ng binata sa tinatamasang tagumpay ni Daniel kundi ang pagiging happy and proud na kaibigan.
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Marco sa ginanap na story conference ng bagong pelikula nila ni Kylie Versoza under Viva Films, ang “Baby Boy, Baby Girl” sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Dito, natanong nga ang sexy actor kung hindi ba siya naiinggit sa anak ni Karla Estrada na sinasabing “superstar” na ang status ngayon sa kanyang henerasyon.
Sagot ni Marco madalas nga raw matanong sa kanya ito, “I’ve been in the industry since 2012, and of course, marami na akong nakasabay, mga ka-batch and as you all know, barkada ko si Daniel.
“I always get this question, lagi ko pong nakukuha ‘yung question na ‘to eversince before na parang ‘o, naiinggit ka ba sa mga kasabayan mo? Naiinggit ka ba kay Daniel?’ ganyan-ganyan,” sey ng binata.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “For me, hindi po siya inggit, eh. It’s more of proud ka sa kaibigan mo dahil ang layo ng narating niya and at the same time, ginagamit mo ‘yun bilang inspirasyon or motivation.
“Para kapag dumating ‘yung oras mo, pwede mong sabihin na parang ‘o, hintayin mo ‘ko riyan, papunta rin ako kung nasaan ka,’” sey pa ng hunk actor.
Giit pa ng kaibigan ni Daniel, “Kasi kung titingnan mo siya in a way na nagseselos ka or naiinggit ka, ikaw ‘yung talo, eh, ‘di ba? Talo tayo lahat kapag tayo nainggit.
“So, let’s always look at things na kumbaga, ‘yun ang source of motivation or source of inspiration kasi kaya naman talaga nandiyan sila kung nasaan sila ngayon, to serve as inspiration to other people na nagsisimula pa lang.
“Kung maiinggit lahat ng tao sa kanila, walang mangyayari sa industriya natin. Kumbaga, lahat tayo, maghihilaan pababa,” mariin pa niyang sabi.
Pahabol pa ng binata, bawat isa ay may kanya-kanyang panahon para bumongga ang career.
Samantala, next week na ang simula ng lock-in shooting nina Kylie at Marco para sa “Baby Boy, Baby Girl” na tatalakay sa mundo ng mga “sugar babies.”
Yan ang tawag ngayon sa mga taong rumaraket online at naghahanap ng mga DOM o matrona na makapagbibigay sa kanila ng bongga at magandang buhay.
https://bandera.inquirer.net/296308/marco-umamin-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-ivana-nagpaalam-kay-jake-bago-chinurva-si-kylie
https://bandera.inquirer.net/282330/benjamin-nainggit-sa-mga-kasabayan-sa-showbiz-ang-hirap-aminin-na-nabigo-ka-sa-dream-mo-noong-bata-ka
https://bandera.inquirer.net/295709/kit-walang-keber-na-nagpakita-ng-junjun-sa-sarap-mong-patayin-mga-beki-inggit-na-inggit-kay-lassy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.