Barbie inaming hiwalay na sila ni Diego: Baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko | Bandera

Barbie inaming hiwalay na sila ni Diego: Baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko

Reggee Bonoan |February 05,2022
facebook
share this

Barbie inaming hiwalay na sila ni Diego: Baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko

Reggee Bonoan - February 05, 2022 - 10:28 AM
Barbie inaming hiwalay na sila ni Diego: Baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko

KAY Barbie Imperial na mismo nanggaling na totoong hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Diego Loyzaga.

Matatandaang kumalat ang balitang break na sina Diego at Barbie ilang araw pagkatapos nilang ipagdiwang ang unang anibersayo nila noong December 11 dahil mag-isang pumunta ng Amerika ang aktor at wala rin silang post na binati ang isa’t isa noong Pasko at Bagong Taon.

“Eksklusibong kinumpirma sa ABS-CBN News ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego. Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye pero maayos ang kanilang paghihiwalay,” ayon sa report ni MJ Felipe sa “TV Patrol” kagabi, Biyernes.

Paliwanag naman ni Barbie base sa ilang video clips mula sa “Goodbye Girl” mediacon nang tanungin kung anong mahalagang lesson in love na natutunan niya, “Natutunan ko baka kaya paulit-ulit na nangyayari sa akin ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko. Kasi it’s like all the same stories each boyfriend. So, for me parang what if ibahin ko ngayon, sarili ko naman ‘yung mahalin ko.”

Pinanood namin ang “Feb-Ibig Chikahan” ni Barbie at ng baguhang aktor na si Turs Daza para sa iWantTFC series na “Goodbye Girl” na ginanap nitong Huwebes ng hapon pero walang binanggit si Barbie tungkol sa kanila ni Diego pero base sa mga sagot niya sa mga tanong ay malalamang nag-goodbye na nga sila sa isa’t isa.

Ang hindi lang malinaw ay sino ang nagsabing “goodbye” na.

Simula pa lang ng mediacon ay natanong na kaagad ang aktres ng, “Sa mga relationship na pinagdaanan mo, paano mo nasasabing ‘goodbye girl’ ka na sa kanila. Kadalasan ba ikaw ang naggu-goodbye o sila ang naggu-goodbye sa ‘yo? Ano ang masakit, ikaw ang nag-goodbye o ikaw ang nasabihan ng goodbye?”

“I think I’ve said this before a lot of times already kasi ako, hindi ako talaga mabilis mag-give up na girlfriend, but if I feel like the other person is not growing with me that’s the time I say na goodbye na talaga kasi para saan pa ako mag-stay if wala naman akong naambag na sa growth mo?” sagot ng dalaga sa unang tanong.

Sa ikalawa, “Well based on experience ako ‘yung naggu-goodbye, pero nu’ng nag-grow na talaga ako parang maganda talaga ‘yung naggu-goodbye ka nang maayos kahit gaano pa kasakit kailangan kasi pumasok kayo sa relasyon ipinaalam mo, eh, so kung aalis ka ipaalam mo rin.

Para sa ikatlong tanong ito ang sagot ng dalaga, “For me depende sa sitwasyon kasi may mga umaalis din na ginagawa nila ‘yung tama, may mga umaalis na napagod, may mga umaalis na niloko, so for me doon na lang sa hindi mas masakit na pag-alis. Umalis ka kasi mahal mo na ‘yung sarili mo.”

Next question was, “when was your hardest goodbye?” Nag-iisip muna ang aktres sabay sabing, “When?  Hindi ba puwedeng sitwasyon na lang ‘wag naman ‘yung when? For me, the hardest goodbyes is the one you don’t  see it coming. ‘Yung hindi mo na-anticipate na ‘yun na ‘yung last time na makikita mo ‘yung taong ‘yun.  Kasi hindi ka ready, but ganu’n talaga. Ha-hahaha! Walang nasabi.”

Salo ng host ng mediacon, “No, hindi mo kailangang magsalita, the quiet moments are minsan ‘yun ang parang medyo strong. ‘Yung parang sinagasaan ka ng school bus hindi mo alam, wala na.”

Isa pang tinanong sa aktres, “Ano ang mas masakit na goodbye sa ‘yo, ‘yung sinasabi nang harapan o umalis nang walang paalam?”

“Masakit pareho pero for me mas pipiliin ko ang magpaalam nang harapan kasi kung bigla na lang nawala nang walang paalam parang nasaan naman ‘yung pinagsamahan natin no’n.

“Siyempre nagkaroon ka naman ng care sa akin, love sa akin parang nasaan ako? Bakit mo naman ako iiwan sa ere? But personal experience you have to understand na iba-iba ‘yung coping mechanism ng mga tao.

“Baka ako gusto ko harapan, baka sa ibang tao hindi ‘yun ang coping mechanism nila. So mag-focus na lang ako sa kung paano ako maging okay, ganito ko aayusin ang sarili ko,” katwiran nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Anyway, may dagdag impormasyon naman ang “Pambansang Marites ng Pilipinas” na si Xian Gaza via video post niya sa Facebook na ginawan niya ng re-enactment. Kayo na po ang bahala kung maniniwala kayo sa kanya o hindi.

“Ang tsismis na aking nasagap mula sa mga taong malapit sa dalawa (Barbie at Diego), last December bago lumipad ng Estados Unidos si Diego nag-away ‘yung dalawa.

“Ang pinag-awayan nila, ayaw payagan ni Barbie na lumipad ng Estados Unidos si Diego kasi nga maghihiwalay na talaga sila. Ito na ‘yung tututok at babasag sa kanilang relasyon, naramdaman na ‘yun ni Barbie,” kuwento ni Xian.

At saka siya nag re-enact, “So, si Barbie pinipigilan niya, ‘huwag ka nang pumunta, huwag ka nang sumama.’” Sabi naman daw ni Diego pagod na pagod na raw kaya gusto na niyang umalis hanggang sa nag-iiyak na raw si Barbie.

“At heto ang nangyari, pinapili siya ni Barbie, ‘pumili ka Diego, pumili ka! Amerika o ako?’ Walkout ngayon ang Diego,” ang pahayag pa ni Xian Gaza.

At saka raw nag-iiyak si Barbie, “Iniwan siya, eh. E, di ngayon tulugan na. Paggising ni Barbie pag-check ng phone niya sa IG story ni Diego, nasa loob ng eroplano.”

Ito ang dahilan kung bakit nagpunta si Barbie kina Karla Estrada, kaibigan kasi ng aktres ang kapatid na babae ni Daniel Padilla na si Magui Planas at dito niya ikinuwento ang lahat. Nang malaman daw ni Karla ang nangyari ay pinapunta niya si Barbie para i-comfort.

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay tsinek namin ang Instagram account ni Diego at nag-post siya ng mga larawang nagpunta siya sa Disney Parks sa California at kinunan ang “Star Wars: Galaxy Edge.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, pareho pa ring pina-follow nina Diego at Barbie ang isa’t isa sa kanilang IG kaya posibleng may komunikasyon pa rin ang dalawa.

Related Chika:
Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial
Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending