Joey de Leon sa mga bashers: Ano meron sila? Inggit! | Bandera

Joey de Leon sa mga bashers: Ano meron sila? Inggit!

Pauline del Rosario |January 21,2023
facebook
share this

Joey de Leon sa mga bashers: Ano meron sila? Inggit!

Pauline del Rosario - January 21, 2023 - 10:25 AM
Joey de Leon sa mga bashers: Ano meron sila? Inggit!

PHOTO: Instagram/@angpoetnyo

NAGSALITA ang TV host-comedian na si Joey de Leon tungkol sa kanyang pananaw pagdating sa mga “bashers” na madalas ay may laging negatibong opinyon tungkol sa mga artista.

Sa isang Instagram post ay ibinandera ni Joey ang kanyang selfie video habang ipinapaliwanag kung ano nga ba ang meron sa mga bashers.

“Anong meron ang isang basher bukod sa giting o tapang para manira o mamuna ng ibang tao? Ang sagot, halu-haluin niyo ang mga letra ng salitang giting at makukuha niyo ang salitang inggit,” paliwanang ng TV host sa video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Sumang-ayon naman ang ilang kapwa-celebrities, tulad nina Jessa Zaragoza, Carmi Martin at Arnold Clavio na nag-comment pa sa post.

At speaking of comments, mababasa din na may halo-halong reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang mga sumang-ayon sa sinabi ni Joey:

“100% agree. Biblical po yan Sir Joey, galing sa inggit (envy) ang mga evil practices like bashing – James 3:16”

“Correct lalo na Kung nakita na mas successful yung binabash nila kaysa sa kanila naku maraming nakikisawsaw (like emoji)”

“Well said po.. ang dami kasi mga feeling perfect, mga walang bakas na kasalanan kaya kung makapuna sa iba daig pa ang santo.”

Heto naman ‘yung mga hindi sumasang-ayon sa TV host:

“Inggit? Di sa lahat ng pagkakataon inggit ang dahilan…lalo na if you are being called out for wrong behavior and baka nga may point sila na nangba-bash sayo.”

“Isa ka ng institusyon sa industriya kaya dapat alam mo rin kung ano ang tinatawag mong pang ba-bash at iba rin yung pinupuna lang ang mali ng kapwa mo artista. Ang Mali ay mali kahit saang anggulo mo tingnan. Bakit pag sa pulitika di ka nagsasalita.”

“Kung masyado tayong mayabang at ayaw nating tumanggap ng puna o pang ba-bash lalo na kung public figure ka, you LOSE THE chance to become a better person.”

Related chika:

Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu…lahat iyan masakit!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darryl Yap: Mas mayaman ako, mas matalino, mas magaling at higit sa lahat, mas magandang tao kahit hindi pa nagpaparetoke!

Marco Gumabao never nainggit sa kasikatan ni Daniel Padilla: Proud ako sa kanya dahil napakalayo na ng narating niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending