Vice Ganda 'namalengke' ng bagong sasakyan, presyo umabot ng P8.99 million | Bandera

Vice Ganda ‘namalengke’ ng bagong sasakyan, presyo umabot ng P8.99 million

Therese Arceo - September 27, 2023 - 01:01 AM

Vice Ganda 'namalengke' ng bagong sasakyan, presyo umabot ng P8.99 million

PROUD na ibinandera ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang bagong luxury car na nagkakahalaga ng P8.99 million.

Sa kanyang latest vlog kung saan kasama niya ang kaibigang designer na si Michael Leyva ay dumayo pa sila ng Pampanga para bilhin ang BMW 735i Pure Excellence.

“Mamalengke tayo ng sasakyan bilang nabangga tayo,” natatawang sey ni Vice Ganda.

Matatandaang noong August 20 nang masangkot ang “It’s Showtime” host sa karambola ng mga sasakyan habang papunta ito sa birthday party ng kaibigan.

Mabuti na lamang at walang nasaktan sa naturang aksidente ngunit labis na napuruhan ang Cadillac Escalade ni Vice.

“Dahil it will take time bago magawa ang sasakyan ko, mga ilang months, so kailangan natin ng service,” lahad niya.

Samantala, nag-enjoy naman si Vice na i-check ang features ng BMW 735i Pure Excellence gaya ng all touchscreen ito, Bowers and Wilkins surround sound system, panaromic full glass roof, spacious leg room, interaction bar na nagkokontrol ng airconditioning, interior lighting, at maging ang glovebox, vegan leather na back seats na may ventilation, height adjustment, at wireless charging ng phone sa driver at passenger’s seat.

Mukha namang na-inlove at nagustuhan talaga niya ang sasakyan matapos niyang i-explore ito.

Baka Bet Mo: Vice Ganda naaksidente, sasakyan kasamang inararo ng delivery truck; tinulungan, pinakalma ang iba pang nabiktima ng karambola

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ilang taon na naman tayong magho-hostess para makabawi tayo dito, day?” tanong ni Vice sa sarili pero kalaunan ay nagdesisyon na ito na bilhin ang luxury car.

Chika niya, mas pinili niya ang nasabing sasakyan kahit na mahal ito para na rin sa safety at security ng mga sakay nito lalo na ng kanyang pamilya.

“Yun ang dahilan kung bakit mahal na sasakyan binibili namin. Kasi yun nga, yung safety talaga,” sabi ni Vice.

Pagpapatuloy pa niya, “Para lang may sumabog sa likod ng sasakyan pero hindi kami (naapektuhan sa loob). Kung ibang sasakyan yon, ‘yung hindi kasing luxury ng sasakyan nna binangga, baka patay na ‘yung driver.”

At dahil nga mahalaga ang buhay ay ipinayo ni Vice na mag-invest sa mamahalin pero mapagkakatiwalaang sasakyan.

Samantala, aminado naman siya na malaki ang naging epekto sa kanya ng pagkakabangga ng kanyang sasakyan.

Bukod sa gastos ay nag-iwan rin talaga ito ng trauma kay Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Still, nagpapasalamat tayo sa Panginoon at buhay tayo. Mas mahalaga naman ang buhay kaysa dito sa mga materyal na bagay na ito. Mababawi naman natin ito kung pagtatrabahuhan pa natin,” hirit pa niya.

Related Chika:
Vice Ganda pinaaga ang Pasko sa ‘It’s Showtime’, pina-add to cart lahat ng wish ng staff

‘It’s Showtime’ pinatawan ng 12-day suspension ng MTRCB dahil sa pagkain ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending