Vice Ganda naaksidente, sasakyan kasamang inararo ng delivery truck; tinulungan, pinakalma ang iba pang nabiktima ng karambola | Bandera

Vice Ganda naaksidente, sasakyan kasamang inararo ng delivery truck; tinulungan, pinakalma ang iba pang nabiktima ng karambola

Ervin Santiago |August 22,2023
facebook
share this

Vice Ganda naaksidente, sasakyan kasamang inararo ng delivery truck; tinulungan, pinakalma ang iba pang nabiktima ng karambola

Ervin Santiago - August 22, 2023 - 08:57 PM

Sasakyan ni Vice Ganda kasamang inararo ng delivery truck; tinulungan, pinakalma ang iba pang nabiktima ng karambola

Vice Ganda (Photos from X)

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng TV host-comedian na si Vice Ganda na walang nangyaring masama sa kanya at sa iba pang nasangkot sa karambola ng mga sasakyan nitong nagdaang Sabado ng gabi, August 19.

Nangyari ang aksidente sa isang lugar sa Katipunan, Quezon City kung saan ilang sasakyan ang inararo ng isang delivery truck, kabilang na nga ang sasakyan ni Vice.

Ilang litrato at video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita nga si Vice sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Mapapanood sa video ang paglabas ng Kapamilya TV host mula sa kanyang sasakyan at ang paglapit niya sa iba pang nabiktima ng insidente para kumustahin ang kalagayan ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sa episode kahapon ng “It’s Showtime” ibinahagi ni Vice ang naganap na aksidente. Nakaidlip umano ang driver ng delivery truck ng isang delivery service app kaya nawalan ito ng kontrol hanggang sa araruhin na nga ang mga sasakyang nadaanan nito.

Pagkatapos magkuwento, nakiusap si Vice na tulungan ng naturang delivery service ang iba pang biktima ng naganap na aksidente, maging ang driver na nakabangga sa kanila.

Baka Bet Mo: ‘Avengers’ star Jeremy Renner napahagulgol nang binalikan ang ‘snow plow accident’

“Nanawagan po ako, kasi naaksidente ako nu’ng Saturday. Sana po tulungan niyo po yung driver na nakabangga sa amin.

“Naararo kami, apat kaming sasakyan, parang nakatulog yung driver, so wasak na wasak (yung sasakyan).

“Sana po tulungan niyo yung driver kasi balita namin…at saka sa contractor, yung may-ari ng truck, sana tulungan niyo yung driver, kasi naawa rin naman ako sa driver kasi ang daming sasakyan yun, e—apat,” pahayag ni Vice.


“Assist niyo rin yung driver, although sa contractor yun. Pero i-assist sana kasi kawawa yung driver,” pag-ulit pa ng komedyante.

Todo pasalamat naman si Vice sa Diyos na yung kotse lamang niya ang nawasak sa aksidente, “We’re still alive! Yes!”

“Yun nga lang, namatay yung…kasi number one na ako sa Candy Crush noong mga panahon na yun. Oo! Number one ako ilang weeks na, number four na lang ako ngayon,” ang birong hirit pa ni Vice.

Samantala, marami naman ang pumuri kay Vice dahil sa pagtulong niya sa mga kapwa niya biktima ng aksidente. Talagang nilapitan niya ang ilan sa mga ito para kumustahin ang kanilang kundisyon.

Base sa video, makikita pa si Vice na nagbigay ng tubig sa isang babaeng sakay ng isa sa nga inararong sasakyan habang pinakakalma ito pati na ang kasama nitong driver na parang naipit sa karambola.

K Brosas, Pokwang naaksidente, nagtamo ng mga sugat at pasa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kyline nakisakay sa delivery truck mula Bicol hanggang Maynila para makapag-audition: ‘Wala po kasi talaga kaming pambayad sa bus’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending